CHAPTER 10

219 25 0
                                    

Warren's point of view

"Sino nga?" Pilit na inagaw ni Xeyn ang phone ko. Pero hindi ko hinayaang makuha niya ito.

"Kaibigan ko 'yon," pagsisinungaling ko.

"Wade ang pangalan?"

Paano ko ba ipaliliwanag 'to?

"Oo, magkapangalan kami," pagsisinungaling ko na naman. Pagkarinig niya ay naupo siya nang maayos.

"Tsk! Baka naman 'yan yong babaeng kaibigan mo? Sino nga ba 'yon?"

"Si Fretzy," agad kong saad.

Tumango-tango siya. "Iyon nga! Tapos ang name niya sa instagram ay pangalan mo dahil may gusto siya sa 'yo!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Unti-unting nawala ang kaba sa dibdib ko. "H'wag kang mag-alala, kaibigan ko lang siya mas lamang ka pa rin."

Sa totoo lang, mas lamang si Fretzy dahil matagal ko na siyang kaibigan. Kaya kahit hindi mo naririnig 'tong usapan namin Fretzy, patawarin mo ako!

Nag-vibrate pa ang phone ko. Tumatawag si Wade at hindi ko alam kung paano ito sasagutin.

"Hindi ako kinilig!" singhal niya. Napatingin pa siya sa phone ko. "Sagutin mo na nga, mukhang importante."

Lumawak ang ngiti ko. "Thank you! Babalik din agad ako," paalam ko. Agad akong lumabas ng condo at lumayo nang unti.

Hindi na tumatawag si Wade. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang naka-online pa rin siya. Kaya ako na ang tumawag sa kanya. Mabuti na lang sinagot agad niya.

"Wade," mahina ang boses na tawag sa kanya.

"Sorry, ngayon ko lang nabasa lahat ng messages mo," he said.

"Kaylan ka ba uuwi? Ayoko na Wade."

Totoong ayoko na talaga. May masama akong pakiramdam sa pagpapanggap ko at hindi ko maintindihan kung ano ba iyon.

"Magtatagal pa ako rito, please, Warren, kaylangan ko pa ng tulong mo."

"Ano ba talagang problema mo? Bakit ba ayaw mong sabihin sa 'kin? P'wede naman kitang matulungan."

Napabuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Huwag ka nang magtanong, Warren."

Napakuyom ang palad ko. "Hindi ko na kayang lokohin si Xeyn. Kaya kung ako sa 'yo makipag-break ka na lang sa kanya kung ganito din lang ang gagawin mo." May diin ang bawat sinasabi ko. Natahimik siya sa kabilang linya. "Ano? Umayos ka, Wade! Umuwi ka na rito at kung wala ka na talagang pakialam kay Xeyn ay makipaghiwalay ka na! Huwag mo na akong idamay!" dagdag ko pa.

"May pakialam ako kay Xeyn!" Nahinto ako nang sumigaw siya sa kabilang linya. Napasandal ako sa pader. Hinintay ko pa ang sasabihin niya. "Warren, sa tingin mo ba pagpapanggapin pa kita kung wala akong pakialam sa kanya? I do care, Warren. Mahalaga si Xeyn sa 'kin. Gusto ko na rin umuwi pero kaylangan ko munang ayusin ang lahat," sabi nito.

"Ano'ng aayusin mo? Sabihin mo na sa 'kin, naguguluhan na ako," pilit ko sa kanya. But he refused, he just sighed.

"Warren, bigyan mo pa ako nang ilang linggo. Ipaliliwanag ko rin ang lahat sa 'yo." Nanatili siyang tahimik at ako naman ay sunod-sunod ang pagbuntong-hininga. "Alagaan mo si Xeyn," he said and the call was ended.

Nanlulumo akong naglakad palapit sa pinto. Pinilit kong ayusin ang sarili.

Itutuloy ko pa ba? Mukhang kaylangang kaylangan ni Wade ang tulong ko. Alam ko namang mahal niya si Xeyn. Pero hindi rin ba niya inisip na may nararamdaman din ako?

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon