Xeyn's point of view
It's 9:36 p.m na ng gabi, but I can't get myself to sleep. I opened my phone then message Wade.
From: Xeyn_Alvarez
I guess you're already asleep?Naghintay pa ako nang ilang minuto. Nang hindi siya mag-reply ay in-off ko na ang phone. Tulog na siguro 'yon. Lalo na't napagod siya sa pagmamaneho pauwi.
I smiled nang maalala ko ang moment namin sa beach. Honestly, gustong-gusto ko ang pagbabago ni Wade. Mas naging ideal guy siya sa paningin ko.
Pinilit kong matulog kaso ayaw talaga ng katawan ko. Kaya tumayo na lang ako at nagpunta sa kusina. Sinubukan kong aliwin ang sarili, kumain ako nang kumain. Ganito kasi ako kapag hindi makatulog, dinadaan ko sa pagkain.
Hinawakan ko pa ang tiyan ko. Napadami ang kain ko kaya medyo lumaki. Nagutom kasi ako kanina, pinilit kong hindi kumain para maganda tignan sa swimsuit.
Naglakad-lakad lang ako sa buong living room. Pinapababa ko ang kinain ko. Maya-maya lang ay may nag-doorbell.
Huh? May bisita pa ako sa ganitong oras?
Sumilip muna ako sa peephole, napangiti ako nang makita si Wade. Agad kong binuksan ang pinto. Pagkabungad niya sa 'kin ay nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Wade? Akala ko tulog ka na, nagpunta ka talaga rito? Miss mo ako agad?" sunod-sunod na tanong. Hindi siya sumagot, mas humigpit ang yakap niya sa 'kin. Kaya napayakap na rin ako sa kanya.
"I miss you, Xeyn." His deep voice. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niyang gan'yan.
"Parang magkasama lang tayo kanina hahaha!" Marahan siyang humarap sa akin. Inayos ko naman ang magulo niyang buhok. "Why are you here?" I asked.
"Because I miss you so much," he answered. So I pouted, nagpapaka-baby na naman ang boyfriend ko. Nakakakilig!
"Baka gusto mo lang matulog dito eh!" pang-aasar ko.
Sanay na sanay na akong asarin siya, kasi nasasabayan na niya ako.
"Nope, uuwi rin ako sa condo," he said.
Nagtaka ako. "So, nandito ka lang dahil miss mo ako? Ang effort naman!" I giggled.
He simply smiled then I guided him in the living room. I sat beside him at tinitigan siya. Ngayon ko lang napansin na parang may pinuntahan pa siya dahil sa suot niya ngayon.
"Hindi ka ba umuwi pagkahatid mo sa 'kin? May iba ka pa bang pinuntahan?" I asked.
Naguluhan lalo ako nang, kumunot ang noo niya, na para bang hindi alam ang sinasabi ko. Then he suddenly answered. "Ah! Yes, may pinuntahan pa ako."
I just nodded. "You want some coffee?" I offered.
"No thanks, ikaw lang kaylangan ko ngayon," he said.
Weird
"May problema ka ba?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso.
I really don't understand him.
"Wala naman." Then he took his eyes off me.
Bumabalik na naman ang pagka-cold niya, may problema lang siguro siya. Ayaw lang niyang sabihin sa 'kin."Sure?"
"Yes, Xeyn, wala talaga."
Natahimik kaming dalawa, maya-maya lang ay yumakap na naman siya sa 'kin. Napangiti ako dahil mukhang wala siyang balak na kumawala.
"Could I stay like this for a moment?" he suddenly asked. I nodded then hugged him back.
•••
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...