CHAPTER 23

211 24 1
                                    

Warren's point of view

Hindi pa umuwi si Xeyn, she decided na ayusin ang condo ko. Nag-order na rin siya ng lunch naming dalawa. Nakahiga pa rin ako sa kama habang pasimpleng sumisilip sa ginagawa niya.

"Wala kang trabaho ngayon?" tanong ko. Umupo ako sa kama nang tumingin siya sa akin.

"Vacant ko, babalik din ako mamayang 4 p.m," sagot niya.

I nodded.

Nang matapos siyang maglinis ay tumungo siya sa 'kin. "Nahihilo ka pa rin?" she asked.

"Medyo"

"Take care of yourself."

"Yes, by the way p'wede ka na man nang umuwi kung gusto mo."

I'm not comfortable seeing her presence. Lalo na't iniisip ko kung ano'ng magiging reaksyon ni Wade kung nalaman niyang nandito si Xeyn.

"Nope! I need to take care of you."

"Why?"

Hindi agad siya nakapagsalita. Natahimik lang siya, hinintay ko pa ang sagot niya nang may mag-doorbell. Mukhang 'yan na 'yong in-order niya. Iniwan niya ako at saka inayos niya 'yon.

She need to take care of me?

Gusto ko talagang ngumiti. Kaso tuwing pumapasok sa isip ko si Wade ay umuurong ang kasiyahan ko.

"Warren, dadalhan ba kita ng food d'yan? Or punta ka na rito?" rinig kong tanong niya.

She called me by my name!

"Pupunta na lang ako r'yan." Pagkasabi ay tumayo na ako at nagpunta nga sa kitchen. Nakahanda na ang lahat kaya ang ginawa ko na lang ay kumain. Magkaharap kaming dalawa. Paano kaya niya nagagawang maging komportable sa akin?

Kasi ako kanina pa nakakaramdam ng awkwardness. Siguro nararamdaman ko 'to dahil nakagawa ako nang masama sa kanya.

But honestly, Xeyn is a good person. Ngayon ko lang nakita ang side niyang ganito. She's the type of girl who forgive someone easily.

Kaya nakapagtatakang kaylangan pang ilihim ni Wade kay Xeyn ang lahat. Siguro hindi pa niya ganoon kakilala ang girlfriend niya. Naiintindihan ko rin naman ang side ni Wade, nagpadala siya sa takot niya at alam ko naman na ayaw talaga niyang masaktan si Xeyn sa ginawa niya.

"Get some sleep, then after that p'wede na akong umuwi," she said while eating.

I avoided the eye contact. "Thank you, Xeyn." I smiled a little.

"You're welcome."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Matapos ay umupo ako sa couch habang nagliligpit siya nang pinagkainan. Hindi ako p'wedeng tumanggi dahil hindi ko naman kayang iayos 'yon. Masama pa rin talaga ang pakiramdam ko.

"Matulog ka muna!" sigaw niya sa akin mula sa kusina.

I don't want to sleep. Gusto ko lang siyang makita.

Hindi ako sumagot, maya-maya lang ay natapos na siya sa pag-aayos sa kusina. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Buti na lang hindi kami masyadong malapit sa isa't isa.

"I told you na matulog ka na." Nagsalubong ang kilay niya.

"I can't sleep."

"You need to sleep, para umayos ang pakiramdam mo."

Kinukulit niya ako. Kung anu-ano pa'ng sinabi niya nang matigil na lang siya nang kusa dahil may tumawag sa phone niya. Ramdam kong si Wade 'yon dahil nagdadalawang isip pa siya kung sasagutin niya.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon