CHAPTER 4

315 30 2
                                    

Warren's point of view

Mabilis kong ipinaliwanag kay Fretzy ang lahat. Maging siya ay naguguluhan sa pagpapanggap ko. Nagtataka rin siya kung ano ba talagang dahilan ni Wade kung bakit niya ginagawa 'to.

"Kung ayaw na niya sa girlfriend niya. Bakit hindi pa niya hiwalayan? Bakit kaylangan ka pang magpanggap na siya?" She asked.

"Hindi naman niya sinabing ayaw na niya sa girlfriend niya. May iba pa siyang dahilan, 'yon ang 'di ko alam."

She arched her eyebrow. "Bakit ka pumayag?"

"Dahil ito lang ang kaya kong ipalit sa lahat nang kabutihan niya sa 'kin. Alam mo naman na mula noong naglayas ako sa amin. Siya na ang nagbigay ng lahat ng pangangailangan ko." Biglang lumungkot ang boses ko.

Umalis ako sa bahay ng magulang ko. Iniwan ko sila dahil ayoko nang magpakontrol pa. Lahat kasi ng gusto nila kaylangang sundin namin ni Wade. Kaya noong sobra na akong na-pressure ay lumayas ako. Hindi na ako bumalik at hindi na ako babalik. Naghanap ako ng trabaho pero naging mahirap dahil hindi ko tinapos ang college.

Si Wade ang sumuporta sa akin financially. Hindi niya sinabi sa mga magulang namin ang tungkol sa pagbibigay niya sa 'kin ng pangangailangan ko. Dahil paniguradong magagalit ang parents namin sa kanya. Parang itinakwil na rin nila ako bilang anak dahil sa pag-alis ko. Hindi ako makapaniwalang kayang-kaya nila akong tiisin.

Mukhang naintindihan naman ni Fretzy ang lahat ng sinabi ko. "Don't worry, hindi ako magsasalita about sa pagpapanggap mo," sabi niya.

"Salamat, Fretzy."

"Tara na, baka hinahanap ka na na ng girlfriend mo!" Natawa siya sa sinabi. Maging ako ay natawa.

Hindi ako makapaniwalang, sasabayan din niya 'tong trip ni Wade.

Pagkabalik namin sa condo ko. Bumungad sa amin sina Lance at Xeyn. Nag-uusap silang dalawa, nagulat lang ako dahil hindi naman madaldal 'tong si Lance, pero ngayon ay tumatawa pa. Nang makita kami ni Xeyn ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang nais niyang saktan ako gamit ang tingin niya.

Grrr! Nakakatakot!

"Xeyn, tara na," tugon ko bigla.

Walang emosyon siyang tumayo. Hindi niya kami pinansin at dali-daling lumabas ng condo ko. Nginitian ako ni Fretzy at sinabi niyang siya na ang bahala sa condo. Kaya agad akong sumunod kay Xeyn. Pagkalabas ko ng building ay nakita ko siyang papasok na sa kotse niya.

"Xeyn!" pigil ko, pero hindi siya nakinig. Tuloy-tuloy siyang sumakay ng kotse niya. Mabilis naman akong pumasok din para hindi niya ako maiwan.

"Bakit ka pa sumama?" walang emosyong tanong.

Nakakatakot ang presensya niya ngayon.

"Magpapaliwanag ako Xeyn," I said.

She looked at me, expressionless. "May bestfriend ka pa lang babae," diretsong saad niya.

Ayos, Warren! Please, ayos!

Halata kasi ang panginginig ng kamay ko.

"High school friend ko si Fretzy, hindi ko sinabi sa 'yo dahil . . ." nahinto ako. Tila ba nag-iisip pa nang p'wedeng idahilan. Mukhang hinintay naman niya ang sasabihin ko. "Dahil ayokong magselos ka," walang kawenta-kwenta kong pagdugtong.

Yeah! Hindi ako magaling sa ganito. Wala nga akong ka-sweet-sweet sa katawan. And I don't know how to handle girls.

"I know before me, marami ka pang naging babae. Pero lahat naman nang nakalandian mo noon, o kaibigan mong babae, pinakilala mo sa 'kin. Kaya mo ako ininform nang mas maaga para hindi ako magselos. Pero bakit 'yong Fretzy hindi mo pinakilala sa 'kin?" Pilit pa ang pagdidiin niya sa salitang landian.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon