CHAPTER 15

219 26 2
                                    

Warren's point of view

The sadness filled me up, hindi ko na rin maintindihan ang mga nangyayari. Napapikit na lamang ako. Nandito ako sa condo ko, umalis agad ako at iniwan si Wade ro'n. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Tama bang hindi ko sabihin kay Xeyn ang lahat? Hindi ko alam! Bahala na! Problema na ni Wade 'yon!

Pero kahit ipagwalang bahala ko ay panay ang pasok ni Xeyn sa isipan ko. Iniisip ko pa lang na mas masasaktan siya ay para na akong pinapatay. Masasaktan siya dahil nakabuntis si Wade, mas masasaktan pa siya dahil niloko namin siya ni Wade.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili. Maya-maya lang ay napagdesisyunan kong pumunta ulit sa condo ni Wade. Gusto ko siyang kausapin tungkol kay Xeyn.

Pagkarating ko sa building ay dali-dali akong naglakad sa lobby. Nahinto naman ako nang makita si Wade na palabas ng elevator. Nagtago agad ako nang makitang kasama niya si Xeyn.

Naialis ko ang paningin sa kanilang dalawa. Magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad. Nang makalabas na sila sa building ay nanlulumo akong bumalik sa kotse. Sinubukan ko pang buksan ang account ni Wade kaso inibahan na niya ng password.

Bakit ko ba nararamdaman 'to!

Sila naman talaga dapat, at saka alam kong hindi nila kayang iwan ang isa't isa. Pero paano kung malaman ni Xeyn ang sikreto ni Wade? Iiwanan kaya ni Xeyn si Wade?

Naguguluhan na ako!

May puwang sa puso ko na, para bang nagsasaya dahil posible ngang iwan ni Xeyn si Wade kapag nalaman niya iyon. Pero may parte rin sa akin na nalulungkot dahil magiging mahirap ang lahat kay Wade. Nawalan na siya ng anak kaya hindi niya papayagang mawala si Xeyn.

Inuntog ko ang sariling ulo sa manibela.

Huling pagkikita na pala namin ni Xeyn kahapon. Hindi ko na siya malalapitan ulit.

Bigo akong bumalik sa condo ko. Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway.

"Warren!" Inangat ko ang paningin, nakita ko si Fretzy. Nagtaka ako dahil nandito siya sa labas ng condo ko.

"Fretzy? Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Nabalitaan kong umuwi na si Wade." She's worried.

I nodded. "Natapos na rin paghihirap ko." I smiled. Pero mukhang hindi siya kumbinsido.

"Tch! Hindi halata, mukha kang patay! Alam mo ba 'yon? Umayos ka nga, Warren!" saad niya. Lumapit pa siya sa 'kin at pinalo ang balikat ko.

"Nagulat lang ako."

Wala akong planong sabihin kay Fretzy ang tungkol kay Wade. Mas mabuti ng dalawa lang kaming nakakaalam. Sinabi naman ni Wade na aaminin din niya kay Xeyn ang lahat. Hahanap lang siya ng tamang pagkakataon para sabihin.

"Nagulat? Saan? Sa pagdating ng kapatid mo?" tanong niya.

Napayuko ako. Pumasok na naman sa isipan ko si Xeyn.

"Oo, nagulat ako sa kanya."

"Halata namang nasasaktan ka!"

Umiling-iling ako. "Wala naman akong karapatan na masaktan." Pagkasabi ko ay nagsimula na akong maglakad papasok sa condo ko. Sumunod lang sa 'kin si Fretzy.

"Madami pa namang babae r'yan," mahina ang pagkakasabi niya.

"Oo, madami pa naman," pagsang-ayon ko.

"Maghanap ka na lang! 'Yong alam mong sa 'yo lang talaga."

Tumingin ako sa kanya at pinilit na tumawa ng normal. "Wala pa akong balak maghanap."

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon