CHAPTER 29

210 23 0
                                    

Wade's point of view

11:30 pm ko napagpasyahang umuwi na sa bahay. Pinipilit pa nga nila akong doon na matulog kaso hinihintay ako nila Mom. Pagkauwi palang namin dito sa pilipinas ay doon na kami tumuloy ni Celeste sa bahay nila Mom. Hindi pa naiaayos ang condo ko kaya hindi pa namin pwedeng tirahan.

Sinabi ko na lahat kay warren ang tungkol sa buhay ko ngayon. Kanina lang din ay napagusapan namin 'yon. Sympre gulat na gulat sila, maging ako nga hindi pa rin makapaniwala.

Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa akin sina Mom at Dad kasama nila si Celeste. Tulog na siguro ang anak namin. Hindi pa muna ako nagpakita sa kanila. Pinagmasdan ko lang sila na nagtatawanan sa kusina.

Inilihim ko lahat kay Warren ang naging buhay ko. Tanging si Mom at Dad lang ang sinabihan ko ng tungkol kay Celeste at ng anak namin. Napagdesisyonan ko no'n na tumira nalang sa France kasama si Celeste. Iniwan ko si Mom sa London at naintindihan naman niya ang kalagayan ko.

Tumira ako kila Celeste kasama ang mga magulang niya. Ngayon ay uuwi na sila rito sa pilipinas dahil sinabi ko ang planong pagpapakasal namin ni Celeste.

Lawyer si Celeste rito sa pilipinas dati. Pero napagpasyahan nilang sa France nalang tumira kaya nahinto siya sa trabaho.

Paglapit ko sa kanila ay napansin agad ako ni Celeste. Tumayo siya at agad akong niyakap.

"Happy birthday!" pagbati niya.

Lumapit din sa akin si Mom at Dad. Binati nila ako, napansin ko naman na tumamlay si Dad nang makitang ako lang ang kaharap niya.

"Nasaan si Warren?" tanong ni Dad.

"Hindi siya sumama," sagot ko.

Sinabihan ako ni Dad na isama ko si Warren. Kaso tumanggi siya, wala pa rin siyang balak na harapin si Dad. Ang problema kasi sa kanya ay lagi niyang iniisip na kinokontrol siya ni Dad. Siguro nga dati 'yon, pero nakikita kong wala ng balak si Dad na pakealaman si Warren. Kung pagsasabihan man niya si Warren ay para sa ikabubuti nito.

"Miss na miss ko na 'yang kapatid mo!" Nalungkot bigla si Mom.

"Makikita mo na siya Mom." Nagpakawala ako ng ngiti.

Siguro makikita nila si Warren sa kasal namin ni Celeste. Pero kung walang ganong event hindi talaga magpapakita 'yon sa mga magulang namin.

Masaya lang kaming kumain. Hindi na ako nakakain ng madami dahil nabusog na ako sa celebration namin sa condo ni Warren. Matapos ng kainan ay naligo lang ako at nagtungo na sa kwarto.

Nakahiga na si Celeste doon katabi ang anak namin. Marahan akong nahiga sa tabi ni Celeste. Naramdaman naman niya 'yon kaya lumingon siya sa akin.

"Napaliwanag mo na lahat sa kanila?" nakangiti niyang tanong.

"Yes," I replied.

She just nodded at tumalikod ulit sa akin.

Medyo matagal naman na rin kaming nagsamang dalawa. Kahit papaano naging maayos ang nararamdaman ko sa kanya. Nakalimutan ko si Xeyn at sa kanya napunta lahat ng atensyon ko.

"Thank you," biglang saad ko.

Humarap siya sa akin.

"Bakit?" naguguluhan niyang tanong.

Hindi nalang ako sumagot. Marahan kong dinampian ng halik ang noo niya. Matapos no'n ay niyakap ko siya, sumiksik siya sa dibdib ko at yumakap din sa akin.

Napapikit ako at muling inalala ang mga nangyare samin sa France.

-Flashback-

Halos ilang linggo na akong nasa London. Ayuko namang makulong lang sa bahay at isipin ng isipin ang lahat ng problema ko. Napagpasyahan ko nalang na pumunta ng France. Pinayagan naman ako ni Mom dahil mukhang naaawa na siya sa kalagayan ko.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon