Warren's point of view
"Tulaleng ka?" Pinagmasdan ni Fretzy ang istura ko.
Still I don't know how to recover. Parang may hang over pa ako sa mga nangyari.
Fretzy was just looking at me.
"I did something wrong," I said.
"Ano?"
Sasabihin ko ba sa kanya? Sa pagkakakilala ko naman kay Fretzy ay paniguradong maiintindihan niya ako.
I looked at her.
"May nagawa ka bang mali sa trabaho?" she asked again.
Umiling ako. "You're right," pauna ko.
She seems confused. "Tama saan?"
"I like Xeyn."
Halata ang labis na pagkagulat sa kanya. Napayuko siya at tila ba pina-process ang sinabi ko. "You like her? 'Yong girlfriend ng kakambal mo?" ulit pa niya.
My heart beat fast, pilit ko rin na kinukumpirma ang nararamdaman ko. Baka kasi hindi ko naman talaga siya gusto, baka nadala lang ako sa pagpapanggap ko. Pero wala talaga, ibang-iba ang pakiramdam ko kay Xeyn.
"Oo!"
Tumawa siya na akala mo ay nagbibiro lang ako. "Told you, Warren, magkakagusto ka sa babaeng 'yon!"
"Yes, I failed, lahat nang sinabi ko no'n hindi ko napanindigan." I rolled my eyes.
She slowly patted my shoulder. "It's not wrong." Tumingin siya sa 'kin kaya inangat ko ang paningin sa kanya. "Walang masama na magkagusto ka sa isang tao. At saka hindi mo kasalanan! 'Yang si Wade ang sisihin mo. Hindi ba siya nag-iisip? Ang laki niyang sira! Hindi man lang ba pumasok sa isip niya na baka nga magkagusto ka sa girlfriend niya? Ano ba'ng akala niya sa 'yo bakla? Na hindi nagkakagusto sa babae?" mahabang litanya niya.
Napangiwi ako. "I understand him, kahit hindi niya sabihin 'yong dahilan niya."
"Mahal na mahal mo talaga 'yang kapatid mo 'no?"
"Yup, kasi kapatid ko siya."
"So, ano'ng gagawin mo ngayon?" Natigil ako sabay pagbuntong-hininga. "Ano? Aagawin mo 'yang si Xeyn kay Wade?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Ofcourse not! Bakit ko gagawin 'yon? Saka gusto ko lang si Xeyn hindi ko sinabing aagawin ko siya. Si Wade pa rin ang boyfriend niya. Extra lang ako sa kanilang dalawa, kaya wala akong karapatan." Pain and sadness held my voice.
"Babaliwalain mo na lang 'yang nararamdaman mo?"
"Yes, saka hangga't maaari hindi ko dapat palalimin pa 'to."
"Paano kapag nagtagal si Wade sa France. Tapos natutunan mo nang mahalin si Xeyn? Ano'ng gagawin mo?" walang pag-aalinlangan niyang tanong.
"Kung mahalin ko man siya, hanggang do'n na lang 'yon. Hindi na ako maghihintay ng kapalit," I seriously answered.
She smiled widely. "That's good."
•••
Unti-unti kong minulat ang mga mata. Napabalikwas pa ako nang marinig ang isang ingay mula sa kusina. Nagulat ako nang bumungad sa 'kin si Xeyn. Galing siya sa kusina at agad na lumapit sa 'kin.
"Ginagawa mo rito?" I asked.
"Wala naman akong work ngayon so I decided to cook!" masayang saad niya.
Mula rito ay naamoy ko ang niluluto niya. "Hmmm, soup ba 'yon?"
"Yes! Favorite soup mo." She winked.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...