Warren's point of view
The day has finally come, I'm going to meet my family. Worst, Xeyn would be there too. I'm not ready to meet her. Kinakabahan ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko sa kanya.
Pagkarating ko sa restaurant kung saan gaganapin ang dinner ay inayos ko ang sarili. I'm wearing a suit, just to be formal sa harapan nilang lahat.
Napansin ko sa parking lot ang mga sasakyan nila. Mukhang nandito na rin si Wade, sa tingin ko nga ay late ako. I don't care kung pagagalitan na naman ako. Pumunta lang naman ako para makisama sa kanila.
Nahinto ako sa paglalakad. Natulala ako sa harapan ng glass door. Sobrang lalim ng paghinga ko, para ngang ayoko nang ituloy pa ang pagpasok.
Be calm, Warren!
"Warren?"
"Eyris," tawag ko sa babae kong pinsan.
She smiled at me. "Why are you here pa? Late na tayo!"
Yes, late na nga ako, hindi na ako magtataka kung late rin siya. Mas pasaway pa ang babaeng 'to sa 'kin. Kaya palaging pinapagalitan.
"Mauna ka na," ani ko.
"Sabay na tayo, ano pa ba'ng gagawin mo rito sa labas?" She seems confused.
"I need some fresh air, toxic lang sa loob," I said.
She laughed. "Hindi ka pa rin nagbabago! Galit-galitan ka pa rin sa parents mo?" Akala naman niya ay nagbibiro ako.
I sighed. "Just go," tipid kong saad.
"Okay! Sunod ka na ah!"
Mukhang occupied namin ang buong restaurant ngayon. Nagdadalawang isip akong pumasok. Parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Inis akong nagpaikot-ikot sa tapat ng pinto.
Maya-maya lang ay napagdesisyunan ko nang pumasok. When I opened the door, I slowly walked. Inilibot ko ang mga mata sa buong paligid. Nakita ko na silang lahat sa mahabang table. Mukhang kompleto ang pamilya. Hindi pa nila ako napapansin dahil medyo malayo pa ako sa kanila.
Naroon sin mom at dad, gayon na rin ang kapatid na babae ni mom at mga anak nito. Naroon din ang dalawang kapatid ni dad kasama ang mga anak din nila. Kasama na roon si Eyris, na parang walang pakialam sa pinag-uusapan nila. Do'n ko na nakita sina Wade at Xeyn.
Napalunok ako.
Please calm down!
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay naituon nila ang atensyon sa akin. Nagtama ang paningin namin ni Xeyn. Parang nanghina ang buong katawan ko dahil titig na titig siya sa 'kin. Kaya imbes na pansinin siya ay nag-focus ako sa parents ko.
Masama ang tingin ni dad sa 'kin. "You're late," he formally said.
"I ditched my work just to be here." Hindi ako humingi ng tawad. Kaya mas sumama ang tingin sa akin ni dad. Tahimik lang silang lahat gayon na rin si Wade.
"Anak, umupo ka na," anyaya ni mom. I nodded at naupo na nga sa tabi ni Eyris.
She pouted. "Told yah! Mukhang galit na naman ang dad mo."
I don't care.
Hindi na lang ako nagsalita. Pinilit kong hindi tignan si Xeyn kahit ramdam ko namang nakatingin siya sa 'kin.
"By the way, iha, si Warren nga pala ang kambal ng boyfriend mo." My mom introduced me. I looked at Xeyn, she seems shocked nang makitang nakatingin na ako sa kanya.
This is shit! My heart is pounding!
Hindi na siya nakipagkamay sa 'kin. Ngumiti lang siya, imbes na ngitian din siya ay tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...