Warren's point of view
Nakausap ko kagabi si Wade, nasa France na siya ngayon. Ayaw naman niyang sabihin sa akin kung ano ang dahilan niya para ipagawa sa 'kin ang pagpapanggap ko. Hindi ko rin malaman kung bakit nasa France siya.
RINGGG
Tinatamad kong kinuha ang phone ko sa side table. Kagigising ko lang, kaya wala akong kagana-gana sa mga bagay-bagay.
-Xeyn girlfriend ni Wade-
Pinilit kong gisingin ang diwa nang makitang si Xeyn ang tumatawag.
"Wadeeeeeeee," bungad niya sa kabilang linya.
I cleared my throat. "Xeyn?"
"Nasaan ka ngayon?"
"Sa condo ko," walang ganang saad.
"Nandito ako sa condo mo, bakit wala ka naman?"
Doon na nagising ang diwa ko. Napatayo ako sa pagkakahiga, inilibot ko pa ang paningin sa paligid ko. Agad akong napahawak sa ulo nang mapagtantong hindi ako umuwi sa condo ni Wade. Kung 'di sa mismong condo ko ako umuwi.
Ang tanga koooooooo!
"Wade?" tawag pa niya.
Nag-panic na ako, hindi ko malaman ang gagawin. Lalo na't medyo may kalayuan ang condo ni Wade sa kinalalagyan ko ngayon. Naalala ko rin na nakakapasok pala si Xeyn sa condo ng kapatid ko.
"X-xeyn, I mean nandito ako sa kaibigan ko. Nag-sleep over ako rito." Pinilit kong magsalita nang maayos.
"Kaibigan? Sinong kaibigan?"
Now I'm done! Bakit kasi hindi ako nakikinig kay Wade nang itinuturo niya sa 'kin lahat ng bagay na tungkol sa kanya.
"Si ano—"
"Sino nga?" Napansin ko ang pagtaas ng boses niya sa kabilang linya.
"Si Dan! Oo si Dan, 'yong friend ko na si Dan!" biglang sagot ko.
"Dan? Bagong friend mo ba?"
"Oo, new friend ko."
"Bakit ang sagot mo kanina, nasa condo mo ikaw? May itinatago ka ba sa 'kin?" Napakagat labi ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. "Wade!" Sinigaw ni Xeyn ang pangalan ng kapatid ko, kaya nailayo ko ang phone sa tenga.
Galit na ata, shit!
"Umayos ka ah! Ngayon ka lang nagsinungaling sa 'kin!" sigaw pa niya.
Kinabahan ako bigla. Ngayon lang ako nasigawan ng babae sa buong buhay ko. "Uuwi na ako, magpapaalam lang ako kay Dan, wait. Dan! Hoy, Dan! Uuwi na ako! Nagagalit na girlfriend ko!" sigaw ko pa kunwari sa kaibigan kong hindi naman nag-e-exist. "Okay lang, Dan! Hindi na ako kakain dito. Doon na lang sa condo ko. Salamat sa pagpapatulog, Dan!" Bahagya ko pang nilakasan ang pagsara sa pintuan hudyat na lalabas na ako ng condo. "Oh naglalakad na ako palabas ng building. Wait for me!" malakas ang boses na tugon kay Xeyn.
"No! Stay!"
Nahinto ako sa paglalakad at napahawak pa sa dibdib ko. "Why?"
"I-message mo sa 'kin 'yang address ng friend mong si Dan."
"B-bakit, Xeyn?" Mas lumakas ang tibok ng puso ko.
"Pupunta ako!"
Doon na ako nanghina.
Ano'ng gagawin ko? Bakit kasi nagpakalutang ako kagabi! Ibang lugar ang nauwian ko.
"Hey, Xeyn, hindi kita niloloko don't worry hindi ako nambababae or what, kaya please hayaan mo nang umuw—"
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...