Warren's point of view
Nagpunta nga kami ni Xeyn sa paborito niyang kainan dito sa Cebu. Nabasa ko rin ang list ng pagkain na sinend ni Wade sa akin. Tuwang-tuwa si Xeyn dahil naaalala ko pa raw ang lahat ng gusto niya. Matapos naman ng pagkain namin ay hapon na kami nakarating sa hotel. Hindi muna kami uuwi sa amin dahil may aayusin pa raw si Xeyn dito sa Cebu.
Nagtatrabaho si Xeyn sa isa sa mga malaking fashion company dito sa Pilipinas. May task daw siyang kaylangang tapusin dito sa Cebu. Kaya hindi lang pala kami mamamasyal dito. Ako naman ay photographer, may trabaho lang ako kapag may events. Si Wade naman ang nag-ha-handle ng business nina mom at dad.
Nasa isang room lang kami ni Xeyn. Medyo malawak naman ang k'warto kaya makakagalaw ako nang maayos dito. Pagod na umupo si Xeyn sa malambot na sofa. Ako naman ay naupo malayo sa kanya.
"Saan ka matutulog?" Nilakasan niya ang boses para marinig ko. Isa lang kasi ang kama ng k'wartong 'to pero maluwang naman.
"D'yan na sa sofa." Turo ko mismo sa inuupuan niya.
Nagsalubong ang kilay niya. "Ayaw mo akong katabi?"
I shook my head. "Hindi naman, sympre kaylangan mo rin ng privacy."
She laughed. "Bago 'yan ah! Kaylan mo pa natutunan ang salitang privacy?"
Napangiwi ako.
Bakit lagi ba silang nagtatabi ni Wade?
"Ngayon lang," pagsusungit ko.
Nakita ko ang pagtayo niya at paglapit sa akin. She sat beside me. "Huwag mong pahirapan ang sarili mo," tugon niya.
Umusod ako nang unti palayo sa kanya. "Hindi ko naman pinapahirapan ang sarili ko."
She smiled widely. "Okay! Sasabayan kita sa pagiging gentleman mo."
Mas natawa ako sa itsura niya. "Good."
Pinisil pa niya ang pisngi ko pagtapos ay humiga na sa kama para matulog. Tahimik akong nakaupo habang pinapanood siya. Halatang pinipilit niyang matulog. Maya-maya lang ay napaupo siya at ginulo-gulo ang buhok. Hindi ko napigilan ang pagtawa.
"Hindi ako makatulog!" singhal niya.
"The lights are still on, kaya siguro hindi ka makatulog," kalmado kong saad.
Tumingin siya sa paligid. "Oo nga pala! Hahaha, sige i-off ko na." Tatayo sana siya para i-off ang ilaw pero pinigilan ko siya.
"Ako na," I offered. Nakangiti siyang tumango-tango.
In-off ko nga ang lahat ng ilaw. Ginamit ko ang ilaw ng phone ko para makapunta sa sofa at mahiga. Pagkahiga ko ay pinilit ko rin makatulog. Ilang posisyon pa nang paghiga ang ginawa ko. Pero hindi ako dinadalaw ng antok. Sinubukan ko rin na makinig ng music gamit ang earpads ko kaso ayaw pa rin talaga.
Iritado akong naupo sa sofa. Mula rito ay kitang-kita ko si Xeyn. Pinilit ko pang tinignan kung gising pa rin siya at tama nga ako. Nakamulat pa rin ang mga mata niya. Tila ba malalim pa ang iniisip. Maya-maya lang ay nagulat ako dahil tumingin siya sa 'kin. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
"Told you rito ka na lang!" Lumakas ang boses niya.
"Maayos ako rito," I lied. Honestly hindi ako komportable matulog sa sofa.
"Wade! Sige na, halika rito! Para makatulog din ako," kumbinsi niya.
"Hindi ka ba nakakatulog kapag wala kang katabi?" Inayos ko ang tuno ng boses.
Napaisip pa siya. "Maybe, nasanay lang ako sa 'yo. Palagi mo kasi akong tinatabihan sa pagtulog." Bigla siyang sumimangot.
Isusumpa ko si Wade! Kung sakali ngayon lang ako matutulog na may katabing babae! Bakit kasi ang hilig niyang tumabi sa babae!
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...