Wade's point of view
I decided to go to London, gusto ko na rin ayusin ang lahat. Spending time alone can help me to reflect on my mistakes. Mahirap kalimutan ang pinagsamahan namin ni Xeyn. But I guess I need to let her go. Mas makabubuti siguro 'yon saming tatlo. I tried to win her heart, but I loss.
Nandito na kami ni Mom sa London. Nakaupo lang ako kama habang nakatitig sa phone ko. I don't have the guts to message her.
Bumalik nanaman ang lahat ng alaala naming dalawa ni Xeyn. Mula noong una kaming nagkakilala.
Then all of the sudden the memories came rushing back.
-Flashback-
I do flirting anywhere, everywhere and anytime. Wala akong pakealam sa lahat ng babaeng maiwan ko. Virginity and commitment is not a big deal pagdating sa kanila. So I take those opportunity to own them.
"Hey babe! Kinalimutan mo na ako agad?" Pangungulit ng babaeng nakaone night stand ko.
I rolled my eyes, she's annoying.
"You're not a big deal," seryoso kong saad.
Nagulat siya sa sinabi ko. Napasimangot pa, akala ko nga ay aalis na siya kaso hindi siya napagod sa pangungulit sa akin.
Nasa bar kami kaya hindi ko maintindihan ang iba niyang sinasabi dahil sa lakas ng music.
"Babe, I need you tonight. Please own me again!" she seductively said.
"Ayuko ng paulit paulit, nakakasawa ka." I disrespect her pero wala akong pakealam.
Akala ko nga magagalit siya pero tinapunan lang niya ako ng tingin. Sanay na ata ang babaeng ito sa mga masasakit na salita.
"Pahard to get, but I like it." Akmang hahalikan niya ako nang umatras ako. Umalis ako sa lugar na 'yon. Nagpunta na lamang ako sa island bar. Nagorder ako ng whisky.
Sa kalagitnaan ng pag-inom ko ay may nakaagaw ng atensyon ko. Isang grupo ng kababaehan ang nagpunta sa gawi ko. Lagi akong nandito sa bar na'to kaya kilala ko lahat ng nagpupunta dito. Pero hindi pamilyar sa akin ang mga babaeng 'to.
"Ayuko na! Uuwi na ako!" singhal ng babaeng nasa gitna nila. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. She's tall, somehow beautiful, mahaba ang buhok at medyo maputi. Tinapunan ko lang siya ng tingin kasi napakausual na sa akin ng itsura niya. Madami pang mas magagandang babae kaysa sa kanya.
"Sige naaaa! Wag mong paasahin si Ruwi!" Pangungulit ng mga kasama niya.
"Ayuko nga makipagmeet up! Bakit ba reto kayo ng reto! Masaya maging single!" Pagsusungit niya. Doon na ako napatingin sa kanya. Naningkit ang mga mata ko nang nagtama ang paningin namin.
Nagsalubong ang kilay niya at akala mo ay naghahamon ng away. Napangisi ako nang umirap siya sa akin.
Tsk! You're not that beautiful.
"Tara na uwi na tayo! Ayuko rito, para lang sa mga taong walang magawa sa buhay ang bar. May trabaho pa tayo bukas!" Lumakas ang boses niya.
"Eh! Paano si Ruwi?"
"Hayaan mo 'yon, bakit kasi rito niya gustong makipagkita? Pwede naman sa maayos na lugar!" atungal ng babae.
Kaso imbes na pumayag ang mga kasama niya ay hinila siya. Pinanood ko silang naupo sa mahabang table malapit sa akin. Maya maya lang ay dumating na 'yung lalaking hinihintay nila.
Nagorder pa ako ng wine habang pinapanood sila.
"Ruwi!" Sigaw ng mga kasamahan niya sa lalaking palapit sa kanila. Nang tuluyan itong makalapit ay umupo siya sa tabi ng babaeng inirereto sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...