Warren's point of view
"Sarapppppp!"
Napangiwi ako kay Xeyn. Halos hindi na nga niya ako tirahan ng pagkain. "Dahan-dahan," tugon ko sa kanya.
Parang hindi kasi nakakain nang ilang araw. Dalawang araw na ang nakalipas mula noong makita namin sina Zayden at Quinn. Pero hanggang kanina ay pangalan pa rin ni Zayden ang sinasabi niya. Buti na lang nagtigil siya dahil naituon ang atensyon niya sa pagkain.
"Kulang pa 'to, akin na lang 'yan!" Tinapik ko ang kamay niya dahilan para maalis niya ang pagkakahawak sa plato. Nang tumingin siya sa 'kin ay dahan-dahan akong umiling.
"Akin 'to!" banta ko. Sumama tuloy ang itsura niya.
"Girlfriend mo ako, kaya ibigay mo sakin 'to!" singhal niya.
"Walang girlfriend kapag gutom!" Marahan ko siyang pinalayo sa pagkain ko. Nakasimangot niyang tinitigan ako habang kumakain. Nagpa-cute pa siya kunwari para maawa ako at ibigay ang pagkain ko sa kanya. Pero sorry siya, ang isang Warren ay hindi nakukuha sa pa-cute.
"Grabe ka! Parang dati lang lahat ng gusto ko ibinibigay mo!" atungal niya.
Natawa ako. "Sabi ko naman sa 'yo . . . nagbago na ako," tugon habang kumakain.
Masyado atang ini-spoiled ni Wade 'tong girlfriend niya.
"Tsk! Hindi kita maintindihan, minsan pa-gentleman ka. Minsan naman . . ." Nahinto siya at nag-isip pa. "Ano nga ulit tawag do'n?"
Tinigil ko ang pagkain. "Ano?" I asked.
"Ano'ng tawag do'n sa . . ." Pinilit niya ulit na isipin kung ano ba ang sinasabi.
Sira talaga!
"Ayon! Alam ko na tawag sa 'yo!" sigaw niya.
Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa paligid. Buti na lamang nandito kami nakapuwesto sa walang masyadong tao.
"Buraot!" sabi pa niya.
"Eh?"
"Minsan gentleman ka, minsan naman buraot!"
"Buraot?"
Ano 'yon?
"Wala! Ang slow mo masyado. Dalian mo na lang d'yan, gusto ko nang umuwi," singhal niya. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ang pagkain. Kaso hindi ako makapag-focus dahil nakatingin siya sa 'kin.
"Hindi ako makakain!" atungal ko.
"Ede ako na lang kakain." Akmang kukunin niya ang kinakain ko, pero hindi ko hinayaang mangyari 'yon. Inilayo ko sa kanya ang plato at walang sabing inubos ang laman niyon.
She pouted. "Damot!"
"Magtiis ka! Kain ka nang kain, tumataba ka na." I laughed.
Napahawak pa siya sa tiyan niya at bewang. At saka dinuro ako sa mismong mukha. "Inis ka! Akala ko supportive kang boyfriend!" atungal niya.
I rolled my eyes. Itinigil ko nang gayahin ang ugali ni Wade. Lalo na't nahihirapan ako at nakakagawa lang ako ng mga bagay na p'wedeng paghinalaan ni Xeyn. Kaya I decided na ipakita kung ano talaga ako.
•••
Hanggang ngayon wala pang reply si Wade sa mga message ko. Naiinis na nga ako dahil sabi niya no'n ay isang linggo lang siya mawawala. Kaso dumaan na ang isang linggo, wala pa rin. Nahihirapan na rin ako magpanggap kay Xeyn na nagtatrabaho ako sa kompanya. Kaso wala naman akong magagawa dahil wala pa si Wade.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...