CHAPTER 26

225 20 1
                                    

Warren's point of view

"You're right, she don't love me anymore," Wade said. Nagpunta ako sa condo niya noong makita ko ang story niya sa instagram. Kahit papaano ay gusto ko pa rin samahan ang kapatid ko.

"Wade, stop drinking!" Pigil ko nang nilagok niya ang isang bote ng alak.

"Hayaan mo muna ako," tugon niya. Wala na akong nagawa dahil ayaw niyang papigil sa ginagawa.

Matamlay pa siyang tumingin sa akin.

"I'm tired," he said.

"Wade?"

"I'm tired of crying Warren." Marahan niyang tinapik ang balikat ko. "Sorry," tugon pa niya.

I smiled a little.

"Naiintindihan kita," I said.

"Thank you--" ibinaba niya ang alak na iniinom. "Just don't leave me Warren, ikaw nalang ang mayroon ako."

The sadness of his voice, he's broken.

"Lagi lang akong nandito para sa'yo." I tried to comfort him. Akala ko kaya kong tiisin ang kakambal ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang iwan.

"Take care of her, love her, protect her. Gawin mo lahat ng bagay na hindi ko nagawa sa kanya. Ibigay mo lahat ng kaylangan niya. Wag mo siyang sasaktan--" he looked at me. Pinipilit niyang ayusin ang pananalita. "I cannot allow myself to hold onto what needs to be let go of. I cannot cling, hoping that I can change her mind or hoping that some miracle will come and save our relationship. I'm tired Warren so I just want to let her go."

Halos madurog ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Nasasaktan siya ng sobra, higit pa sa naramdaman ko no'n. But he need to accept the consequences of his actions.

Unti unti ng nawawala ang tiwala ni Xeyn sa kanya at kaylangan niyang tanggapin 'yon.

"Wade, I really didn't want you to get hurt. But I've caused you pain, I'm so sorry." Napayuko ako.

Narinig kong natawa siya kaya inangat ko rin ang paningin sa kanya.

"Wala kang kasalanan." We're both defending each other. "I let her go but it doesn't mean that I don't love her anymore. Gusto ko lang maging masaya siya," he said.

Hindi na ako nakapagsalita, tumayo siya at nagtungo na sa kwarto niya. Sinilip ko pa siya roon, bagsak na ang katawan niya sa kama.

He's tired, physically and emotionally.

•••

"Warren!" Lumabas si Xeyn sa building ng company nila. Nakangiti siya sa 'kin, bumalik na ang sigla niya.

I guess nagusap na sila ni Wade, at paniguradong hindi niya ipapahalata sa 'kin na malungkot siya.

"Tapos na work?" Bungad ko rin.

"Yup! Nagugutom na ako!" tugon niya. Nilapitan ko siya at inalalayan papasok sa kotse.

"Then let's eat!" I smiled back para hindi niya isiping nalulungkot ako sa nangyare sa kanila ni Wade.

Nagusap lang kami sa byahe, panay ang kwento niya. Halatang nililibang niya ang sarili. Dumiretso kami sa isang restaurant, madami siyang inorder. Akala ko nga ay hindi niya kayang ubusin pero halos siya na ang kumain ng lahat.

Stress eating!

Matapos no'n ay hinatid ko na siya pauwi. Medyo tumahimik ang paligid naming dalawa. Hindi ko alam kung busog lang ba siya o dahil inaalala niya si Wade.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon