CHAPTER 8

246 23 0
                                    

Warren's point of view

"Wala pa rin?" Fretzy asked.

Tinignan ko ulit ang phone ko, pagtapos ay napailing. "Naka-online siya kanina kaso hindi man lang sineen," saad ko. Hindi pa kasi nag-re-reply si Wade sa mga dm ko sa kanya.

"Napaka-mysterious naman ng kakambal mo," tugon niya.

I sat properly. "Sobra, naiirita na nga ako r'yan. Gusto ko na ngang makauwi siya para naman hindi na ako guluhin ng girlfriend niya," atungal ko.

Fretzy laughed out of nowhere. "Seryoso?"

"Bakit ka tumatawa?"

She simply shook her head. "So, ano'ng meron do'n sa story mo sa instagram?" She asked.

"Wala 'yon, para lang aware si Wade sa amin ng girlfriend niya."

"Okay! Ayoko namang ma-pressure ka pa, at saka—" Tumigil siya at tumabi sa akin. "H'wag kang ma-i-inlove sa kanya. Dahil paniguradong malaking gulo kung nangyari 'yon," paalala niya.

Napangiwi ako. "Oo, ginagawa ko lang 'to para kay Wade. Sure ako uuwi na 'yon," walang pag-aalinlangang saad.

She smiled then patted my shoulder. "May ibibigay pala ako sa 'yo." Inabot niya sa 'kin ang isang paper bag. Sinilip ko agad ang laman, napangiti ako nang makita ang mga paborito kong snacks sa loob.

"Wow! Thank you!" masayang pagpapasalamat ko.

"Your welcome, bf!"

Inilagay ko ang paper bag sa side table. Nasa condo kami ni Wade at napagpasyahan ni Fretzy na dalawin ako. Kaso sandali lang siya dahil may pupuntahan pa raw siya.

Sinamahan ko siya palabas ng building. Habang naglalakad ay panay kuwentuhan lang kami. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa waiting shed.

"Thanks!" she said.

Nakangiti akong tumango. "Babalik na ako sa condo," I said.

"Wait!" She stopped me from walking.

"Hmmm?"

"M-may sinend ako sa 'yong recording, check mo kapag nasa loob ka na." Then she stuttered.

I smiled. "Okay, by the way take care."

Umalis na ako roon at nagmamadaling pumunta sa condo. Pagkapasok ko ay agad kong kinuha ang phone ko. Chineck ko ang instagram at bumungad sa 'kin ang dm ni Fretzy. May recording nga siyang sinend.

Umupo ako para pakinggan ang record na iyon.

~I got a heart, and I got a soul. Believe me, I will use them both. We made a start. Be it a false one, I know. Hey, I don't want to feel alone.~

Napangiti ako ng malawak nang marinig ang boses niya. Magaling kumanta si Fretzy, kaya gustong-gusto ko pinapakinggan ang boses niya. Halatang iniba niya ang ibang line ng lyrics at hindi ko alam kung bakit.

~So hug me where I lay down. My hands pressed to your cheeks. A long way from the playground.~

Napapikit ako.

~I have loved you since we were 18.~

Naimulat ko ang mga mata.

~Long before we both thought the same thing. To be loved and to be in love. All I can do is say that these arms. Are made for holding you, oh-oh.~

Halata ang malalim na emosyon sa bawat linyang kinakanta niya.

~I wanna love like you made me feel. When we were 18.~

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon