Warren's point of view
Iminulat ko ang mga mata, napapikit ulit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Habang nakapikit ay pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Napabalikwas agad ako nang maalala ko ang ginawa. Napahawak pa ako sa labi ko.
"Ano'ng ginawa ko?" Kinakabahan kong inilibot ang paningin sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto kong narito ako sa condo ni Wade.
"Walang nangyari!"
Napahawak ako sa ulo nang bigla akong makaramdam nang pagkahilo. Napadami pala ang inom ko kagabi. Buti na lang hinatid ako ni Yohann dito.
RINGGG
Napatingin ako sa phone ko. I sighed, tumatawag si Xeyn. Kinuha ko ang phone ko, pero agad ko rin na binitawan.
Hindi ko sasagutin! Hindi p'wede!
"Ayoko!" Humiga ako at isinubsob ang mukha sa unan. Kaylangan kong libangin ang sarili ko sa ibang bagay. Hindi na ako masyadong makikipagkita kay Xeyn.
Kinuha ko ang phone ko at nag-message kay Xeyn gamit ang account ni Wade.
From: WdeHernandez
Sorry, busy ako ngayon sa company. Hindi kita maihahatid sa trabaho.Paulit-ulit ko pang binasa ang message ko nang mag-reply siya.
From: Xeyn_Alvarez
Ganon ba, anong oras matatapos trabaho mo?Hindi ko pinansin ang reply niya. Tumayo ako at nagpunta sa bathroom para mag-shower. Nagtagal pa ako nang kalahating oras sa bathroom bago lumabas. Pagkalabas ko ay bumungad sa 'kin ang tunog ng notification ko.
"Hindi ko siya rereplyan!" kumbinsi ko sa sarili. Pero still, chineck ko pa rin ang phone ko. Sunod-sunod ang message niya.
From: Xeyn_Alvarez
kagabi hindi mo sinasagot ang tawag ko. Nasaan ka?Akala ko ba hindi na siya magtatanong sa 'kin? Dahil alam niyang ayaw ko nang kinukulit.
From: Xeyn_Alvarez
magbreakfast kana! Message mo ako pagpauwi kana galing work. Then punta ako d'yan sa condo mo. Magdadala ako ng foods! Movie marathon tayo!Sineen ko lang 'yon.
From: Xeyn_Alvarez
busy ka nga talaga HAHAHA. Panay seen! Pero take care! Love you.Imbes na siya ang replyan ko ay agad kong tinawagan si Fretzy. Naupo ako sa couch nang sinagot niya ang tawag ko.
"Warren?"
"Busy ka ngayon?"
"Bakit? Gala ba tayo?" masaya niyang tanong.
I smiled. "Oo sana," I answered.
"Sayang! May trabaho pa ako! Next time na lang promise babawi ako."
Nawala ang ngiti ko. Akala ko naman malilibang ko na ang sarili. "Okay sige, basta libre mo ah! See you soon. Keep safe," tugon ko.
Nagpaalam na rin siya sa 'kin at halos manlumo naman ako. Tulala akong nakatingin sa television. Napatayo naman agad ako nang may maalala.
"Oo nga pala!" Napahawak ako sa ulo. May event pala akong pupuntahan ngayon. Kinuha akong photographer sa event na 'yon. Mamayang tanghali na 'yon hanggang gabi ata ang event. Kaya makakapaghanda pa ako.
•••
From: SirLaurence
Nasaan kana Warren?Pagbasa ko sa message ni sir. Nagmamaneho ako kaya hindi ko siya ma-reply-an. Tutal ay malapit naman na ako kaya hindi na kaylangan pa.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...