CHAPTER 6

257 26 0
                                    

Warren's point of view

RINGGG

Sinagot ko agad ang tawag, bumungad sa 'kin ang boses ni Fretzy. Napangiti ako dahil narinig ko ang kaingayan niya sa kabilang linya.

Kaibigan ko na si Fretzy mula noong nasa elementary school pa lang kami. Parang kapatid ko na nga siya, dahil sobrang komportable namin sa isa't isa. Sabi nila kapag magkaibigan ang babae at lalaki ay may malisya, pero sa aming dalawa ay wala. Bestfriends lang talaga ang turingan namin. Kasama ko pa nga siya noong mga oras na nakikipag-date ako sa highschool. At sympre palagi ko rin siyang sinasamahan kapag nakikipagkita sa manliligaw niya. Minsan nga ay nagpapanggap pa kaming magkapatid para hindi magselos mga special someone namin.

"Kaylan ba talaga uwi ni Wade?" she asked.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "I don't know."

"Pauwiin mo na siya, alam ko namang nahihirapan ka na."

"Ilang araw pa lang akong nagpapanggap."

She sighed."Paano kapag nahuli kayo ng girlfriend?"

"Ayoko munang isipin 'yon, Fretzy," I said.

Natahimik siya saglit bago ulit magsalita. "Paano kapag nagkagusto ka sa kanya?"

Hindi ako nakapagsalita, inisip ko ang sinabi niyang 'yon. Magkakagusto kaya ako sa kanya?

"Hindi," agad kong sagot.

"Lalaki ka pa rin, Warren. Kahit anong pigil mo p'wede kang magkaroon ng pagtingin d'yan sa girlfriend ng kapatid mo." She laughed.

Napakunot ang noo ko.

Hindi p'wede! Pipigilan ko! Ano mang mangyari pipigilan ko! Pagpapanggap lang 'to. Kapag nakauwi na si Wade, magiging ayos na ang lahat.

"No, Fretzy, hindi ako magkakagusto sa kanya," seryosong saad.

Hindi pa rin siya natigil sa pagtawa. "Sige, pustahan tayo ah!"

"Ayoko nang gan'yan! Nakakapikon!" suway ko.

"Luh! Ang seryoso masyado, nagbibiro lang ako."

I sighed. "Basta hindi ako magkakagusto sa kanya," I said confidently.

"Okay! Sabi mo 'yan ah! By the way, kapag may time ako puntahan kita r'yan sa condo ni Wade," she said.

Pumayag na lamang ako at tinapos na ang tawag. Napasimangot ako habang iniisip ang sinabi niya. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama nang maalala na naman ang nangyari kahapon.

Hindi p'wede at saka kaya kong pigilan ang sarili ko. Ang tagal ko na ngang walang girlfriend. Marami akong babaeng nakakasama pero lahat sila itinuturing ko lang na kaibigan. Kahit kay Fretzy nga wala akong maramdaman. Sa tagal naming magkaibigan, wala talaga. Doon pa kaya kay Xeyn, na panandalian ko lang na makakasama.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para matulog.

•••

"Wowwwwwww!" namamanghang sambit ni Xeyn. Maging ako ay namangha sa paligid.

Nasa 10,000 roses cafe kami sa Cebu City. Dinayo pa talaga namin dito para lang mamasyal. Napakaraming roses, sabi nga nila 10,000 nga ang bilang nito. Gusto ko nga sanang bilangin para mapatunayan kong 10,000 nga talaga.

"Kuhanan mo ako ng picture!" masayang saad ni Xeyn.

Nakangiti kong inilabas ang camera ko. Nagpunta si Xeyn sa gitnang bahagi ng mga bulaklak.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon