Warren's point of view
From: Xeyn_Alvarez
Sana nakauwi ka ng maayos.Nakatulala lang ako sa message niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan. Halo-halo na ang emosyon ko, parang ang hirap nang ibalik 'yong dating ako.
Bumagsak din ako sa ganitong eksena. Kaya ayokong pumasok sa relasyon dati ay dahil takot akong masaktan nang sobra. Pero hindi mo talaga matatakasan ang gan'tong sakit. Parte ito ng buhay, at nakakalungkot lang dahil hindi ko inakalang mas grabeng sakit ang mararanasan ko.
Inalis ko ang paningin sa phone ko. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdamang naninikip 'yon. Siguro dahil kanina ko pa pinipigilang umiyak. Ayoko nang ubusin ang tubig sa katawan ko.
Nahiga na lang ako sa kama at pinilit na matulog. Gayon na lang siguro ang bigat ng nararamdaman ko kaya nakatulog ako kaagad.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa pagtunog ng phone ko. Walang gana kong tinignan 'yon, nagdalawang isip pa akong sagutin dahil si Wade ang tumatawag.
Pagkasagot ko ay bumungad sa akin ang masaya niyang boses.
"Warren!"
"Ano?" Napaupo ako sa kama.
"Maayos na kami ni Xeyn."
Dahan-dahan kong naibaba ang phone ko. Hindi ko malaman kung magiging masaya ba ako. Dapat nga ay masaya ako dahil ito ang gusto ko para sa kanila.
"Gano'n ba," tipid kong tugon.
"Kagabi pinuntahan ko siya sa bahay niya. Akala ko itataboy niya ako. Hindi ako makapaniwala nang sinabi niyang okay na kaming dalawa." Ramdam ko ang labis na kasiyahan niya.
I'm happy. Yes I am.
"Good, hindi ka na magpapaka-toxic." Pinilit kong tumawa.
"Maaayos ko na rin ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano'ng nagpabago ng isip ni Xeyn. Pero masaya ako dahil hindi niya ako iniwan," saad niya mula sa kabilang linya.
Nakumbinsi ko ba si Xeyn? Kung oo ay nagpapasalamat ako.
Madami pa siyang sinabi, napangiti ako nang naririnig kong tumatawa na siya. Pagkababa ng tawag ay marahan kong inilapag ang phone sa kama. Tumayo ako para mag-shower, at kumain. Matapos kong gawin lahat ng 'yon ay kinuha ko na ang camera ko.
Umalis ako ng condo at iniwan ang phone ko. Nagtungo agad ako sa event kung saan ako magtatrabaho. Sinimulan ko ang araw sa panay pagtatrabaho lang. Madami pa akong pinuntahan na event. Dati ay ayokong tanggap nang tanggap dahil mabilis akong mapagod. Pero ngayon ay ako na mismo ang naghahanap ng event na pupuntahan.
Nalibang ko ang sarili. Hapon na at napagpasyahan kong umuwi. Hindi ako pupunta kung saan-saan para magpaka-toxic. Gusto ko na lang ulit matulog.
Pagkapasok ko sa condo ay wala pala akong pagkain. Wala rin akong grocery kaya naman hinayaan ko na lang ang sariling matulog nang walang laman ang tiyan. Hindi ko pinansin ang phone ko sa kama. Kung ano'ng posisyon noong umalis ako ay gano'n pa rin hanggang ngayon.
Natulog na lang ako.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Napahawak ako sa ulo dahil ang bigat ng pakiramdam ko. Para ata akong magkakasakit, pinilit ko pang tumayo kaso nahihilo ako kaya nahiga ulit ako.
Nararamdaman ko pa na parang may nais na kumawala sa tiyan ko. Ayoko namang sumuka kaya pinakalma ko ang sarili.
Ganito talaga ang nangyayari sa akin tuwing napapagod ako nang sobra at hindi kumakain.
Marahan kong kinuha ang phone ko sa kama. Madaming message si Wade, hindi ko na binuksan. Si Yohann ay sinubukan kong tawagan, kaso ay hindi niya sinasagot.
Hindi ako makalabas para bumili ng pagkain dahil nga nahihilo ako. Si Yohann lang sana ang pwede kong utusan kaso may trabaho pa ata siya.
Naituon ko ang paningin sa message ni Xeyn. Kagabi pa itong message niya.
From: Xeyn_Alvarez
Warren are you okay? Nagtataka kasi si Wade bakit hindi mo daw sinasagot ang tawag niya.Mukhang maayos na talaga silang dalawa. Nagdalawang-isip pa akong reply-an siya. Nabitawan ko ang phone ko nang mahilo na naman ako.
"Shit!" sigaw ko.
Ayoko nang ganitong pakiramdam.
Nang maka-recover ay kinuha ko ang phone ko para reply-an si Xeyn.
From: WrenHernandez
I'm not okay, I'm sick.Itinabi ko agad ang phone ko. Kapag ganitong masama ang pakiramdam ko ay ayokong gumagamit ng cellphone.
Sinubukan ko ulit na matulog at nagawa ko naman. Nagising din ako nang may mag-doorbell.
Pinilit kong tumayo kahit masama ang pakiramdam ko. Binuksan ko ang pinto, nagulat ako nang bumungad sa akin si Xeyn. May dala itong plastic bag, hindi ko alam kung ano'ng laman.
"Ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong.
Wala akong oras na mag-inarte. Kaylangan ko ng tulong ngayon.
"Nahihilo lang ako," sagot ko.
Napaatras ako nang ipatong niya ang palad sa noo ko. "Wala ka namang lagnat," saad niya matapos gawin 'yon.
"Napagod ako nang sobra." Iniklian ko na lang ang sagot dahil parang unti na lang susuka na ako.
"Hindi ka rin kumain?"
Tumango ako.
"Kaya naman pala, sige mahiga ka na sa kama mo. Ako na bahala rito." Dumiretso siya sa kusina. Nagtataka akong nahiga ulit sa kama.
Bakit niya ako tinutulungan?
Nakarinig ako ng mga ingay sa kusina. Halatang nagluluto siya, wala naman akong mga grocery kaya paano siya nakakapagluto? Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang paglapit niya sa akin. May dala siyang tubig at gamot, ibinaba niya 'yon sa side table malapit sa kama ko. Bumalik siya sa kusina para kunin ang niluto niyang soup.
Naupo siya sa kama, marahan naman akong umupo rin. Inabot niya sa akin ang soup, kinuha ko 'yon at sinimulang humigop.
"Baka nagtataka ka kung bakit nandito ako," aniya. I simply nodded. "Kahit papaano nakasama kita nang isang buwan. Hindi naman kita p'wedeng pabayaan na lang," tugon niya.
Kung gano'n nag-aalala siya sa akin.
Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya. "Alam ba ni Wade na nandito ka?" I asked.
"Hindi"
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Hindi pa naman kami ganoon kaayos. Ang hirap lang talagang ibalik noong dati. Nagiging awkward na kapag kasama ko siya. Sympre may kaunting sakit pa rin tuwing naaalala ko ang ginawa niya," sagot niya.
Nang maubos ko ang soup ay kinuha niya ang lalagyan sa akin. Ipinainom pa niya ang gamot akala ko ay ibabalik na niya sa kusina ang ginamit ko. Pero nilagay lang niya 'yon sa side table.
"Ako ba? Kapag nakikita mo ba ako, may sama ng loob pa rin?" diretsong tanong ko.
"Sympre may kaunting sama ng loob. Pero pinipilit kong intindihin lahat," she said. Tumango lang ako at bumalik sa pagkakahiga. "Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalit nang sobra sa 'yo."
Tinignan ko siya.
Bakit?
Imbes na magtanong ay nakatitig lang ako sa kanya.
"Gabi-gabi kong pinapaalala sa sarili kong ikaw 'yong nakasama ko. Kasi ayokong malito, gusto kong i-separate 'yong memories na magkasama tayo. Ayokong habang buhay na paniwalain ang sarili kong si Wade ang kasama ko no'n." Nahinto siya at ngumiti. "Gusto kong sabihin na si Warren 'yon. Si Warren 'yong bumuo nang isang buwan ko. Si Warren mismo at hindi si Wade."
Nakakatuwa lang isipin na pinapahalagahan niya ang pinagsamahan naming dalawa. Binibigyan niya ako ng dahilan para umasa. Mali man 'tong naiisip ko pero parang gusto kong panghawakan ang lahat nang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...