Xeyn's point of view
Alam kong may inililihim sa akin si Wade. Kaylangan kong alamin kung ano man 'yon. Pumasok agad sa isip ko ang kapatid ni Wade na si Warren. Siguro ay may alam siya tungkol kay Wade.
Kahit masyado ng gabi ay sinubukan kong hanapin ang instagram account ng mga pinsan ni Wade. Nakita ko namang naka-follow si Wade sa isa niyang mga pinsan. Kaya agad akong nag-dm sa pinsan niyang iyon.
From: Xeyn_Alvarez
Hi, pwede ba akong magtanong? Girlfriend pala ako ni Wade, 'yung nakasama mo noong family dinner niyo.From: EyrisHernandez
Ikr, by the way anong itatanong mo?From: Xeyn_Alvarez
Alam mo ba kung nasaan nakatira si Warren?From: EyrisHernandez
Huh? Bakit hindi mo tanungin kay Wade?From: Xeyn_Alvarez
Hindi na kasi siya online at medyo busy sa work.Pagsisinungaling ko.
Binigay naman niya agad ang address ni Warren. Maaga akong gumising para lang puntahan ang tirahan ni Warren. Nang makarating ako sa building ng condo niya ay doon na ako nagtaka. Napuntahan ko na ang condo na ito.
Pagkapasok ko sa lobby ay agad akong dumiretso sa condo ni Warren. Kaso ay bigo akong maabutan siya. Sinabi kasi ng isa sa mga kakilala niya na nagpunta siya ng Cebu.
Walang pag-aalinlangan akong sumunod sa kanya. Hindi ko rin malaman kung ano'ng ginagawa ko. Pero noong makita ko ang condo ni Warren ay do'n na may pumasok sa isipan ko.
Hindi kaya nagpanggap si Warren bilang Wade?
Iniisip ko pa lang iyon ay may kung anong galit nang bumalot sa akin.
Pagkarating ko sa Cebu, ay hindi ko namalayan ang sarili. Unang pumasok sa isip ko ang Sirao Flower Garden. Baka nandito si Warren.
Pagkapasok ko pa lang ay inilibot ko na ang paningin sa paligid. Maya-maya lang ay nahagilap ko si Warren sa isang cottage. Sinundan ko siya ng tingin nang pumunta siya sa wind mill. Nahinto siya roon at tila ba may malalim na iniisip.
Do'n na ako biglang napaupo. May mga nagtitinginang tao sa gawi ko pero wala akong pakialam. Pinapanood ko lang si Warren sa windmill.
Bakit siya nandito?
Kaya ba huminto siya r'yan sa spot na iyan ay dahil may naalala siya?
Naalala niya ako?
Dahil siya ang kasama ko nang isang buwan?
Siya ba talaga 'yon?
Bakit?
Ano'ng dahilan nila ni Wade?
Kaylangan kong malaman.
•••
"Hindi ako 'yon, noong dinner pa lang kita nakilala at hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagkasabi niya ay agad siyang umalis.
Tulala lang ako at pilit na iniisip ang lahat. Naguguluhan na ako, mali ba ang hinala ko? Hindi ba talaga siya 'yon? Nagkamali lang ba ako?
Ang pakay ko lang naman dito ay tanungin sa kanya kung may problema ba si Wade at kung may inililihim ito sa akin. Pero noong makita ko kung saan nakatira si Warren ay bumuo ako ng konklusyon sa isipan na baka siya ang kasama ko dati at hindi si Wade.
Pinilit kong siya 'yon at hindi ko alam kung bakit.
Siguro nga nadadala na ako sa emosyon ko. Kung anu-ano nang pumapasok sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...