CHAPTER 25

224 24 11
                                    

Wade's point of view

BLAGGG

I immediately face the floor, napahawak pa ako sa gilid ng labi ko. Sobrang sakit ng pagsuntok ni Dad sa 'kin.

"Why did you do that?!" sigaw niya.

Naramdaman ko ang pagalalay sa 'kin ni Mom.

Sinabi ko na lahat kay Dad, nagfall down ang transaction ng company namin. Dahil napabayaan ko 'yon noong pumunta ako ng ibang bansa.

"Honey tama na, wag mo na siyang saktan!" pagtatanggol ni Mom sa 'kin.

"He behaved shamefully! Paano ko hindi sasaktan 'yan?!" Galit na galit si Dad. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.

Marahan akong ipinatayo ni Mom. Humarang pa siya sa 'kin para hindi ako masaktan ni Dad.

"Hindi ginusto ng anak mo ang lahat!"

"Hindi ginusto? He cheated! Hindi ko siya pinalaking ganyan! Akala ko matino 'yan, katulad din pala siya ng kakambal niya!" sigaw ni Dad sa 'kin.

Doon na ako hindi nakapagtimpi.

"Wag mong idamay si Warren dito Dad!" galit kong saad.

Akmang susuntukin nanaman niya ako nang yakapin siya ni Mom para pigilan.

"Wag! Nagmamakaawa ako wag mo siyang saktan!" umiiyak na pagmamakaawa ni Mom.

Hindi siya pinansin ni Dad, diretso lang ang tingin niya sa 'kin na para bang gusto akong patayin.

"Pareho lang kayo diba? Pinagluluko niyong dalawa ang babaeng 'yon! Mula noong mga bata kayo sinasabi ko na sa inyong wag na wag kayong manluko ng kapwa niyo!" Napayuko ako sa sinabi niya. Napakuyom pa ang mga kamao ko.

"Dinamay ko siya, labas si Warren dito..." mahina kong saad.

"Labas siya rito? He tolerated you Wade! Kung matino siyang tao hindi ka niya hahayaan sa mga gusto mo, at kung matino ka rin na tao hindi mo gagawin sa girlfriend mo 'yon. Alam mo bang nagdala ka ng kahihiyan sa kompanya!" galit niyang tugon.

Narinig ni Dad sa mga employee ang lahat. Kumalat sa kompanya ang pagpunta ko sa France para sa babaeng nabuntis ko. Someone is spreading rumor about me. Kilala ko kung sino 'yon, one of my employee na sinabihan ko ng tungkol doon. Nagtiwala ako sa taong 'yon pero nagawa pa rin niyang sirain ang tiwala ko.

I will do everything to fire him!

"Dinamay mo pa ang kompanya? Bagsak na ang sales natin! Ipinagkatiwala ko sa'yo lahat pero sinira mo ang tiwala ko Wade!"

"Dad I'm so sorry, aayusin ko lahat ng 'to I'll promis--"

"No! Ako ang aayos ng lahat ng 'to! Umalis kana sa kompanya. You don't deserve your position!"

Nang marinig ko 'yon ay nagmakaawa ako kay Dad. Hindi niya ako pwedeng alisin sa kompanya. Isa 'yon sa buhay ko, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag inalis pa niya ako sa posisyon ko.

"Dad! Please, I will do everything wag mo lang gawin 'to!" Pagmamakaawa ko.

Kahit si Mom ay nagmamakaawa sa kanya. Pero imbes na pansinin kami ay umalis siya. Dali daling lumapit sa 'kin si Mom. Pagkayakap niya sa 'kin ay doon ko na inilabas ang lahat ng emosyon ko.

I'm struggling.

I feel like all my dreams are being taken away from me.

•••

I'm wasted, nakaupo lang ako sa couch. May mga nakaharap sa aking alak pero hindi ko mainom. I texted Warren, nando'n pa raw sila sa 10,000 roses. Sana nga maayos na sila ni Xeyn. Pinayagan ko silang magsama ngayon para bigyan ng pagkakataon si Warren na makapagpaliwanag.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon