CHAPTER 2

355 33 0
                                    

Warren's point of view

Namamangha kong inilibot ang paningin sa bahay ni Xeyn. Ang laki naman kasi, kaso mukhang siya lang ata ang nakatira rito.

"Mag-isa mo lang ba rito?" I asked.

She stopped walking, then looked at me confusingly. "May amnesia ka ba?" tanong niya.

Palihim kong itinago ang pagkagulat ko.

Nalimutan ko! Act like Wade nga! Nawawala ako lagi sa sarili.

"Ah! Ahahaha! Wala! Oo alam ko namang mag-isa ka lang dito," wala sa sariling sagot.

She smiled widely. "Ang ganda pakinggan ng pagtawa mo!"

Nahinto ako sa pagtawa. Naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Marami namang nakaka-appreciate ng pagiging masiyahin ko. Pero hindi nila sinabing magandang pakinggan ang tawa ko.

"H-hindi ba ako madalas tumawa dati?" tanong ko.

Curious lang ako sa kapatid ko.

Napaisip siya. "Hindi, madalas ka kayang seryoso," sagot niya.

Sinabi ng kapatid ko ay one year na sila ni Xeyn. Ang sinabi lang naman niya sa 'kin ay komportable siyang kasama si Xeyn. Kaya akala ko madalas siyang tumawa o maging masaya kapag kasama ang babaeng 'to.

"Ganoon ba—"

"Pero mas gusto kita kapag gan'yan ang presensya mo," sabi niya.

Puso ko, shit!

"Ahahaha, siguro marami lang akong pinoproblema noon. Pero ngayon chill na lang kaya nakaka-tawa na ako," I said.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Nilabas pa ang phone niya gamit ang isang kamay at nakita kong in-open niya ang recorder. "Tawa ka ulit!" nakangiting utos niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang itinapat niya ang phone sa bibig ko.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"I-re-record tawa mo!"

"W-why?"

"Aish! Ang kulit, Wade! Sige naaaa pleaseeeee!" Pagpapa-cute niya.

"Ano nga ang gagawin mo sa tawa ko?" nakangiwi kong tanong.

"Gagawin kong ringtone!" She giggled.

What the! Ang isip bata ng babaeng 'to.

"Hindi mo naman na kaylangang gawin 'yan, nakakasama mo naman ako," I said.

She pouted. "Kiss o ringtone?"

Kill me now! I don't want to do this, bro! She's crazy and cringey. Help me!

"Wala sa dalawa," nakangiwi kong sagot.

She shook her head. "Kiss o ringtone?"

Kung ringtone, kahihiyan ko 'yon. Paano kapag may kasama siyang kaibigan, tapos may tumawag sa kanya. Pagtawa ko ang tutunog na ringtone! Embarrassment!

P-pero kapag kiss naman . . .

Natigil ko ang pag-iisip, palihim kong tinignan ang labi niya.

Holy! Holy! Shit!

Hindi pa ako nakakahalik ng babae! Unlike Wade, hindi ako mahilig sa fling.

"W-wade?" she called me.

Bumalik ako sa diwa. "Yes?"

"Kiss or ringtone? Or both?"

Nanlalamig na ang katawan ko.

Bakit may both pa?

"Or?" pagbibiro ko.

Mas lalo siyang natawa. "Yieeeee it means both?"

Anong both? Ang sabi ko 'or'.

"No! Tatawa na lang ako!" agad kong saad.

Mas lumawak ang pagngiti niya. "Go on, start ko na ang recording!" tuwang-tuwa na saad.

I cleared my throat.

Nag-start ang recording, napatitig pa ako saglit do'n.

Bahagya niyang yinugyog ang braso ko. Nagpapa-cute pa siya na parang bata. Kung hindi lang maganda ang babaeng 'to, magmumukha siyang sira ulo.

"Go, Wade," bulong niya sa 'kin.

Kinabahan ako sa pagbulong niya. "HAHAHAHA . . . HAHAHA HAHAHAHA . . . HAHAHAHAHA!" pilit kong pagtawa.

Buti na lang tunog natural ang pagtawa ko, kahit pilit lang.

"Isa pa dali!"

"Ayoko na," singhal ko.

Makuntento ka! Gusto ko sanang sabihin sa kanya 'yan pero baka masampal ako.

Naningkit ang mga mata niya at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko, dahilan para makiliti ako.

"X-xeyn!"

Agad akong tumakbo palayo sa kanya. Hanggang makarating sa kusina. Nang makita ko siya ay dali-dali akong lumayo sa kanya, pero pilit lang niya akong sinundan. Hinihingal akong nahinto, gayon din siya.

Inayos niya ang sarili at nagpakawala ng ngiti. "Gusto ko lang i-enjoy 'to! Minsan ka lang gan'yan. Baka paggising ko bukas, hindi ka na tumatawa!" saad niya.

Sana nga paggising niya bukas 'yong tunay na Wade na ang makaharap niya. Dahil hindi ko na kayang ituloy 'to! She's clingy!

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon