EPILOGUE

497 40 6
                                    

Warren's point of view

Ilang linggo lang ang nakalipas mula noong proposal ni Wade ay nagpakasal na silang dalawa ni Celeste. The wedding ceremony has peacefully ended. May mga part ng wedding na naluha talaga ako. Siguro sobrang saya ko lang dahil kinasal na ang kambal ko.

Si Xeyn ay emosyonal din noong nagpalitan na ng vows sina Wade at Celeste. I admire Xeyn dahil sa kabila ng lahat ay nagawa niyang mapatawad si Wade. Ngayon ay tudo supporta na siya sa relasyon ni Wade at Celeste.

7:30 pm nasa reception na kami. Outdoor reception ang napili nila. Nakapalibot samin ang mga naggagandahang string lights. Halos puting bulaklak lang din ang nagbibigay buhay sa buong paligid.

Hindi ganoon kadami ang mga bisita. Malapit na relatives lang namin ang nandito. Napansin ko rin na nandito halos lahat ng kaibigan ni Celeste at relatives din niya. Si Xeyn ay kanina pa nakatingin kay Aiden ang CEO ng kompanyang pinagtratrabuhan niya.

Tapos na ang pinakaprogram ng reception, nasa part na kami ng kainan. Ito lang naman ang pinakagustong eksena ni Xeyn. Nasa isang round table kami nila Yohann, Fretzy at Xeyn.

"Sana manlang mapansin na ni Sir Aiden kung gaano ako kasipag sa trabaho," atungal ni Xeyn. I smirked, madiin ang bawat pagkagat ko sa kinakain.

"Tch, ano bang meron sa kanya bukod sa pagiging artista at CEO?" inis kong tanong.

Imbes na harapin ako ni Xeyn ay patuloy lang siyang nakatingin sa table kung nasaan nando'n si Aiden.

"Gwapo at sobrang bait!" sagot niya.

I rolled my eyes kahit hindi niya nakikita.

"I don't care..." mahina kong saad.

Humarap sa akin si Xeyn at parang batang ikinabit ang kamay sa braso ko.

"Pero mas gwapo ka, at mas mabait! Yieeee!" panunukso sa 'kin.

Maggagalit galitan pa sana ako! Kaso wala na!

"Akala ko nakalimutan mo ng may boyfriend ka." Pagsusungit ko kunwari.

"Ano kaba! Alam mo ba samin, kapag napansin ka niyang si CEO Aiden kakainggitan ka ng lahat!" tugon pa niya.

Sa bagay, mayaman at sikat na tao. Sino ba namang hindi mapapahanga ng lalaking 'yon.

"Baka may girlfriend na 'yan, wala na kayong pagasa," biro ko.

She giggled. "Feeling ko nga rin! Pero hindi nila inilalabas sa media."

"Oh wala talaga kayong pagasa sa kanya--"

"Baliw ka! Bat mo ako sinasali? Loyal ako 'no!" Niyugyog pa niya ako.

Sinubukan ko siyang pahintuin kasi mukhang walang balak na ihinto ang ginagawa hanggang hindi ako nahihilo.

"Loyal ako sa'yo!" pilit pa niya.

I suddenly laughed and cupped her face.

"Kiss mo nalang ako para mawala tampo ko," sabi ko.

She pouted.

Pero sympre hindi pwede, PDA 'yon!

Hindi naman kami pinapansin nila Yohann at Fretzy naguusap silang dalawa. Mukhang seryoso pa nga ata ang pinaguusapan nila. Panay biruan lang kami ni Xeyn, maya maya lang ay lumapit samin si Celeste at Wade. Hindi nila kasama si Celestine, nando'n ata ang pamangkin ko sa table ni Mom.

"Nageenjoy ba kayo?" tanong ni Celeste.

"Yup! Ang sarap ng mga pagkain!" sagot ni Fretzy.

Mas napangiti naman si Celeste.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon