Warren's point of view
Isang linggo na naman ang lumipas. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Wade.
From: FretzyZhia
Wala akong work ngayon, libre na kita?Agad kong ni-reply-an ang message ni Fretzy.
From: WrenHernandez
May pupuntahan kami ni Xeyn ngayon. Next time nalang : )We planned to visit Sirao Flower Garden sa Cebu. Sobrang ganda raw roon, maraming beses nang nakapunta si Xeyn do'n. Pero gusto niya ulit pumunta na kasama ako. Pagkatapos ay pupunta rin kami sa Bantayan Island. Sobrang immune na nga ako sa beaches, kaso nagpupumilit siya.
Sinundo ko lang si Xeyn sa bahay niya at nagsimula na ang byahe namin. Dahil medyo malayo ang pupuntahan namin ay nakatulog na siya. Habang nagmamaneho ay pasimple ko siyang tinitignan.
She's beautiful.
Napangiti ako sa naisip kong iyon. Bago pa mas ma-distract kay Xeyn ay itinuon ko na lang ang atensyon sa daanan. Kanina lang ay nag-message ako kay Wade. Nagtaka nga ako noong panay seen lang siya. Sympre kinulit ko siya, hanggang may sinend siya sa akin na picture. Loob ng hospital ang picture kaya naguluhan ako. Tinanong ko kung bakit nasa hospital siya. Kaso imbes na sagutin ang tanong ko ay nag-offline siya. He's weird, may kakaiba talagang nangyayari sa kanya. He doesn't want me to know about it. Kahit akong kapatid niya ay hindi niya pinagkakatiwalaan.
Nang makarating kami sa Sirao Flower Garden ay dahan-dahan kong ginising si Xeyn.
"Hmmm? Saan na tayo?" she asked.
"Sa Sirao na," I said.
Kitang-kita ko ang excitement niya sa sinabi ko. "Wow! Tara na!" She cheerfully got out of the car. Hindi man lang ako hinintay. Parang bata siyang lumapit sa akin at dali-daling hinila ako sa entrance. Sympre nagbayad muna kami ng entrance fee bago tuluyang makapasok. Her eyes sparkled like diamonds nang makita ang napakagandang kapaligiran.
"Akala ko ba nakapunta ka na rito?" I asked.
She looked at me. "Sympre matagal na 'yon. Madaming nagbago rito!"
Maraming tao pero halos lahat naman ay hindi kami napapansin. Panay kasi ang kuha nila ng litrato.
"Let's go, i-tour mo ako!" masayang saad ko.
She held my arms while we are walking. Daig pa talaga niya ang bata sa sobrang saya. Panay ang turo niya sa mga bulaklak. Namangha nga ako dahil alam na alam niya ang pangalan ng mga ito.
We have surrounded by picturesque flowers and incredible decorations that are perfect for photos.
Maya-maya lang ay nagpunta kami sa windmill na pinapalibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak.
"Picture tayong dalawa," she said.
Akala ko naman ay selfie lang kaso tinawag niya 'yong isang babaeng malapit sa amin. Magalang naman itong nakipag-usap kay Xeyn. Kinuha ng babae ang phone ni Xeyn at nagpunta sa harapan namin.
"Dikit ka sa 'kin!" utos niya.
Marahan akong dumikit sa kanya. Nag-pose kami sa harapan ng camera. Nagulat naman ako nang yumakap sa 'kin si Xeyn. Wala na akong nagawa, hinawakan ko ang bewang niya at tumingin kami sa camera. Pagtapos ay ibinalik ng babae ang phone kay Xeyn. Hindi pa nito matanggal ang tingin sa 'kin.
Iba talaga ang kag'wapuhan ko ahahaha!
"Ate, h'wag ka munang umalis. P'wede kuhanan mo pa kami ro'n!" Turo ni Xeyn sa iba't ibang breathtaking spots.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...