Warren's point of view
Hindi ako makagalaw, hindi rin makapagsalita. Tulala ako habang si Xeyn ay focus sa pagmamaneho. Hindi ako makatingin sa kanya. Pilit kong itinutuon ang atensyon ko sa labas.
I secretly bit my lower lip.
Fuck! Ganoon pala ang pakiramdam nang mahalikan. Parang may kung anong bagay sa loob ng tiyan ko. Tila ba ikot nang ikot at ayaw magtigil.
Sinabi ko no'n sa sarili na dapat ang first kiss ko ay romantic. Kahit pa lalaki ako pangarap ko ang isang magandang first kiss. Kaso nawala agad sa isang iglap ang pangarap ko. Imbes na matuwa ako na may nakahalik na sa 'kin ay konsensya ang naramdaman ko.
Paano kaya kapag nalaman ni Wade na hinalikan ako ni Xeyn? Baka isumpa niya ako!
"Hoy, Wade!"
Naagaw ni Xeyn ang atensyon ko. Daig ko pa ang babae sa lagay namin.
"Why?" I asked
"Kanina ko pa napapansin na para kang naiilang sa 'kin!"
Ang straight forward ng babaeng 'to. Fresh pa nga sa 'kin ang ginawa niya! Halatang hindi na big deal sa kanya ang halikan. Pwes sa 'kin ay big deal!
"Wala," maikiling saad
Kahit nagmamaneho ay tumitingin pa rin siya sa 'kin. "Ang weird mo! Hahaha, parang hindi ka naman sanay sa halik. Panay ikaw kaya ang humahalik sa 'kin! Ngayon nga lang ako nag-first move." Bahagya niyang itinuon ang paningin sa 'kin. "Siguro nagulat ka dahil ako ang nag-first move?" pagdagdag niya.
Naglapat ang labi ko. Kung gano'n, sanay na sila sa mga ganoong bagay? Bakit pa ba ako magtataka, magkarelasyon sila kaya normal ang halikan! Tch, sabihin ko lang sa isip ang salitang halikan ay kinikilabutan na ako.
"Hoy! Ang tahimik mo naman ngayon! May bipolar disease ka siguro?" She giggled.
Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-iisip. Bahagya akong nagulat nang may pumasok sa isip ko. Napatitig pa ako kay Xeyn, hindi naman siya makatingin nang maayos sa akin dahil tutok ang atensyon sa pagmamaneho.
Hindi kaya may nangyari na sa kanila ni Wade?
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip.
What the heck, nagmumukha akong manyakis dito!
"Wade, are you okay?" she asked.
"Yeah, I'm okay." Then I smiled.
Inalis ko na lamang ang nasa isipan ko. Maayos naman kaming nakarating sa condo ni Wade. Buti na lang alam ko ang passcode ng condo niya. Pagkapasok namin ay nagpunta agad siya sa kitchen para magluto. Ako naman ay dumiretso sa k'warto ni Wade. Tinawagan ko agad si Wade. Kaso nagtaka ako nang binabaan niya ako ng tawag.
Ano'ng problema nito?
Binuksan ko ang cabinet niya para sana humanap nang maisusuot. Kaso napangiwi ako nang makita ang isang box ng condom sa cabinet. Halos masuka ako nang makita ko 'yon.
Sira ulo talaga! Alam niyang nagpupunta rito ang girlfriend niya tapos naglalagay siya nang ganito sa cabinet?
Isinarado ko agad 'yon nang pumasok si Xeyn sa k'warto. Pasimple akong ngumiti sa kanya.
"Xeyn, bakit ka nandito?" I asked.
"Maglilinis lang ako ng k'warto mo." Doon ko lang napansin ang hawak niyang panglinis.
"Akala ko ba nagluluto ka?"
Kinindatan niya ako. "Multi tasking, baby!" Nag-flying kiss pa siya. Napalunok ako lalo na't hindi ako sanay sa gan'yang gestures.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...