Warren's point of view
Nakakunot ang noo kong pinapanood si Xeyn habang kumakain. Akala ko talaga mahinhin ang babaeng 'to. Grabe naman kasi siyang lumamon. Parang nais pa ata niyang kainin ang pagkain ko.
Napalunok ako nang tumingin siya sa 'kin. "Hahaha! Eat!" masayang saad niya.
Napangiwi ako dahil nakita ko pa ang mga pagkain na nginunguya niya sa bibig.
Wala na akong appetite kumain.
"Okay lang, gusto mo kainin mo na rin 'yong pagkain ko," saad ko.
Unbelievable! Kakaiba ang taste ng kapatid ko sa isang babae. Sa sobrang arte at seryoso ng lalaking 'yon. Ganitong babae pala ang type niya.
"No! Nahiya ka pa! Lagi naman tayong kumakain ng magkasama. Ano pa ba'ng bago?"
"W-wala akong gana ahahaha!" Then yes, I just laughed.
"Nakakapanibago ka talaga! Ilang araw lang tayong hindi nagkita pero ang laki nang pinagbago mo!" Lumakas ang boses niya.
I looked around.
Masiyahin din naman akong tao, pero hindi ako maingay.
"Sa tingin ko kasi mas gwapo ako kapag tumatawa," pagbibiro ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Nagulat ako nang bigla niyang itinapat ang kutsara sa mukha ko na tila ba 'yon ang ginagamit panturo sa 'kin. "Oo! Ilang beses ko na sinabi sa'yo 'yan! Ngayon mo lang na-realize? Wow! Congrats!" masaya niyang saad.
"Madaming nagtitinginan. . . ." pahina nang pahina ang boses ko. Pero mukhang hindi siya marunong makiramdam.
"I love you na talaga! Marunong nang tumawa ang boyfriend ko sa wakasssss!"
Doon ko na dali-daling tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. Napansin ko ang mga taong malapit sa amin na natitinginan at panay ang bulungan.
Ngayon lang ako nakaramdam nang labis na kahihiyan! Hindi na ako magtataka kung ayaw na ng kapatid ko sa babaeng 'to!
"Oo, I love you too basta behave ka lang." Nakangiwi kong pagpapatigil sa kanya.
"S-sorry! Masaya lang." Buti na lang hininaan na niya ang boses.
"Let's eat, tapos sasamahan na kita sa mall," sabi ko.
Masaya siyang tumango-tango.
After that, nagpunta na nga kami sa mall. Napasimangot ako kasi panay pasok kami sa iba't ibang klaseng shop pero wala siyang mabili.
"Napakamahal!" biglang sigaw niya sa kaharap naming sales lady.
"Hey, huwag mo siyang sigawan," suway ko kay Xeyn.
Nahihiyang tinignan kami ng sales lady. "Ma'am, branded po kasi 'yan, so mahal talaga," paliwanag nito.
"Yes, Xeyn, branded 'yan kaya gan'yan ang price," sabi ko rin.
Inobserbahan niya ang bag na hawak. Nagulat ako nang bigla siyang magpa-cute sa harap ng sales lady.
Ano'ng ginagawa niya?
"May tawad pa ba? Hehehe!"
Dahan-dahan kong naitakip ang kamay sa bibig.
She's unbelievable!
"Xeyn, hindi ito palengke," bulong ko sa kanya.
Nakangiti siyang tumingin sa 'kin. "Ano ba, panira ka ng diskarte," bulong din niya.
"What the! kaya ko namang bayaran 'yan."
"No! Ako ang bibili. Lagi mo na lang akong nililibre."
"S-sympre boyfriend mo ako." Nautal pa ako.
Hindi ako sanay sa ganito!
Mas lumawak ang ngiti niya. "Let me buy this, okay!" makulit niyang saad.
Wala na akong nagawa, I nodded. Then she turned her attention to the sales lady. "Tawad, pleaseeee, kahit ito lang."
"Do you mean, ma'am, discount?"
"Yes! A discount!" masaya niyang saad.
Tumingin sa 'kin ang sales lady. Pasimple ko siyang tinanguan. "O-okay, ma'am, do'n na lang po tayo sa cashier," nag-aalinlangang tugon ng sales lady.
Masayang naglakad si Xeyn patungo roon at sumunod naman ako.
Ang hyper ng babaeng 'to. Ngayon alam ko na kung ano'ng nararanasan ng kakambal ko.
Inilapag niya ang bag sa cashier. "5,500 po ma'am," sabi ng cashier.
"Eh? Akala ko may discount?"
Tinignan ko ulit 'yong sales lady kanina. Sana lang ay makuha niya ang ibig sabihin ko.
"Yes, ma'am, 4,500 na lang po," the sales lady said. Gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Okay! Thank you!" Inabot ni Xeyn ang bayad niya. Nakita ko kung paano siya matuwa habang pinapanood itong inilalagay sa paper bag.
Nang maiabot sa kanya ay nagpauna na siya sa paglalakad. Palihim ko namang iniabot sa cashier ang 1,000 pesos na kulang.
Yeah, actually walang discount 'yon. Saka hindi pwede ang tawad sa mall, ano ba'ng tingin niya rito? Palengke?
Humingi lang ako ng paumanhin sa kanila bago sumunod kay Xeyn.
Kakaiba ang babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...