Warren's point of view
You don't meet people by accident. There's always a reason. A lesson or a blessing.
I smiled widely habang pinapanood si Wade, Celeste at anak nila na nakaupo sa isang bench. Hindi kami nakikita ni Celeste dahil medyo malayo kami sa kanila. Kasama ko ngayon si Yohann, Fretzy at Xeyn. Wala si Eyris dahil may trabaho raw siya.
Dala dala ko ang camera na regalo sa 'kin ni Xeyn. Ayuko na ngang bitawan, alagang alaga sa 'kin 'to!
"Punta na ba tayo?" Fretzy asked.
Sinamaan ko siya ng tingin nang halos yakapin na niya si Xeyn. Paano naman kasi parang batang nakakabit sa girlfriend ko.
"Bitaw." Tinapik ko siya pero pinandilatan lang niya ako.
"Tara na!" Awat samin ni Yohann nang nagtatalo na kami ni Fretzy. Si Xeyn ay tumatawa lang samin.
Ngumuso ako kay Xeyn.
"Lika rito, sabay na tayo maglakad." Pilit ko pa siyang hinihila kay Fretzy. Pero itong kaibigan kong 'to ay ayaw patalo.
"Akin si Xeyn, layas ka d'yan," singhal niya.
Napakamot si Yohann na parang naiirita na samin.
"Hahahaha, tama na! Tara nalang! Mauna kana Warren," pagkumbinsi ni Xeyn.
Sumimangot ako at nagpauna na nga sa paglalakad papunta kila Wade. Kapag magkakasama talaga kami ay nakakalimutan ni Fretzy na ako ang bestfriend niya. Lagi ngang nakabuntot kay Xeyn 'yan. Unting unti nalang pagkakamalan ko na siyang tomboy.
Nang makalapit kami kila Wade ay naagaw agad namin ang atensyon ni Celeste. Ang paningin ko naman ay nasa pamangkin kong hawak ni Wade. Cute na cute niyang nilalaro ang stuff toy niya.
Tumayo sila Celeste at Wade, ngumiti siya samin at nakipagkamay.
She's tall, with a pretty face. Short black dyed hair and a nice body. She dressed in pastel and a black high heeled.
Nagpakilala siya samin, napansin ko namang napaawang ang labi ni Xeyn.
Wag kang magalala, mas maganda ka!
"Kakambal ako ni Wade, wag kang malilito," biro ko. Natawa siya.
"Warren right?" pagkumpirma niya.
I nodded, itinuon ko ang atensyon sa pamangkin kong cute na cute. Birthday niya ngayon, at mamaya ay pupunta kami ng restaurant para do'n magcelebrate.
"Hello, Celestine!" Hinawakan ko pa ang maliit niyang kamay. Dahil bata hindi niya itinuon ang atensyon sa 'kin, patuloy niyang nilalaro ang stuff toy niya.
Lumapit din si Xeyn kay Celestine, habang karga ni Wade ang bata ay pilit siyang nilalaro ni Xeyn.
Nang magsawa si Xeyn ay nagtungo siya kina Fretzy at Yohann kausap nila si Celeste. Sinundan ko lang siya ng tingin habang tumatawa sa harap ni Celeste.
Napansin kong malaki ang pagkakatulad ni Celeste kay Wade. Tuwing nagbibiro si Fretzy ay halos si Xeyn at Yohann lang ang tumatawa. Nakakaintimidate ang presensya ni Celeste. Kung hindi lang siya marunong ngumiti baka ay matakot na ako sa kanya.
Lumapit naman samin si Yohann. Mukhang hindi na niya kayang makipagdaldalan sa mga babae.
"Ang ganda ng anak mo Wade!" Dito naman siya ngayon nag-iingay samin.
"Sympre, magtaka ka kung hindi maganda anak ko," Wade casually said.
I laughed.
"Hahaha, kamukha ko anak mo!" biro ko.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...