Warren's point of view
Kaylangan kong kausapin si Fretzy. Sobrang nasaktan ko siya at ngayon ko lang napagtanto 'yon.
From: WrenHernandez
Sagutin mo tawag ko Fretzy
Please
Hey!
Let's talk please!
I'm so sorry, nagulat ako ng sobra.Napaupo ako sa couch nang sineen lang niya lahat ng message ko. I'm exhausted right now.
Ano'ng gagawin ko?
Pagkagising ko ito agad ang iniisip ko. Nawala agad sa isip ko si Xeyn. Nag-aalala ako kay Fretzy at hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Hindi ko naman akalain na may gusto siya sa 'kin. Ang masama lang ay hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya.
Fuck! Bakit pa kasi kaylangan niyang magkagusto sa 'kin?
Napatayo ako nang biglang may nag-doorbell. Dahil wala ako sa sarili ay binuksan ko agad pinto. Hindi man lang ako nagulat sa presensya ni Wade. Walang sabi siyang pumasok sa condo ko.
"Bakit ka nandito?" I casually asked.
Naupo siya sa couch habang ako ay nakatayo pa rin. "Family dinner," bungad niya.
Naguluhan ako. "Ano?"
"Kinausap ako nina mom at dad kahapon, may family dinner tayo next week. Pupunta rin doon ang mga kamag-anak natin. Ibinilin sa 'kin na papuntahin ka," seryosong saad niya.
Ayokong makita sila.
"Alam mo namang hindi ako pupunta."
"No, you can't disobey them."
"Para saan pang pupunta ako? Hindi naman na ako parte ng pamilya n'yo," diretsong ani ko.
Nag-iba ang ekspresyon ng itsura niya. "Warren, h'wag mong sabihin 'yan."
Inilayo ko ang paningin sa kanya. Madami na nga akong iniisip, dadagdagan pa nila.
"Just go, Wade, hindi mo ako makukumbinsi," I said.
"Pupunta si Xeyn," he suddenly said. Natigilan tuloy ako. "Sinabi nila mom na ipakilala ko sa kanila si Xeyn," dagdag pa niya.
I smirked. "Mas lalong hindi ako pupunta."
Tumayo siya at nagpantay ang tingin namin. "Why? May mali ba?"
"Hindi ka ba natatakot na kapag nakilala ako ni Xeyn ay maghinala 'yon?"
He shook his head. "As long as aarte ka ng normal hindi niya tayo paghihinalaan. At kung hindi ka pupunta hahanapin ka sa 'kin nina mom at dad. Still, malalaman pa rin niyang may kakambal ako," sabi niya na halatang determinado. Kaunting-kaunti na lang ay masasaktan ko na siya. Hindi ako nagsalita.
"May gusto ka ba kay Xeyn?" Nagitla ako sa tanong niyang 'yon. Kung gan'yan din lang ang tanong ay guilty ako. Hindi ko kayang sagutin.
"Warren?"
"Wala"
"Anong wala?"
"Hindi ko siya gusto."
Nainis ako dahil bakas sa kanya ang pagkatuwa sa narinig. "Good, wala tayong problema," he said.
"Wala ka bang balak sabihin kay Xeyn ang lahat?" May inis sa boses ko.
Napaisip siya sa tanong kong iyon. "Sasabihin ko, para mas maging madali ay kaylangan ka muna niyang makilala."
"Hindi ka ba natatakot na baka iwanan ka niya kapag nalaman niya?" tanong ko pa.
Mas magagalit siguro si Xeyn sa 'kin at ayoko pang mangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...