CHAPTER 19

208 26 2
                                    

Warren's point of view

Isang araw na ang nakalilipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari noong dinner. Nag-message sa 'kin si Wade pero hindi ko pinapansin. Tinatanong lang naman niya kung ano'ng pinag-usapan namin ni Xeyn. Hindi ko na kaylangang mag-reply, lalo na't wala akong gana.

Napansin kong nag-message rin si Fretzy. Napangiti ako nang mag-send siya ng recording.

I played the audio.

🎶 Unloving you, is the hardest thing to do 🎶

'Yong lyrics!

🎶 Wish I could find a way to be unlove with you 🎶

Honestly, nakaka-relate ako nang sobra. Para ngang ayoko nang ituloy pa ang recording na 'to.

🎶 Unloving you, you're all I wanna lose. But every night I'm closer to the bitter truth. I just can't unlove you. Maybe I can't unlove you 🎶

The song ended. May message rin siya pagtapos ng recording.

From: FretzyZhia
Bwiset ka! I can't unlove you!

Natawa ako.

Para pala sa 'kin ang kantang 'yan. Pero ang nasa isip ko noong kinakanta ni Fretzy 'yon ay si Xeyn.

From: WrenHernandez
Kanta ka pa

I replied. Nabasa naman niya agad ang message ko at natagalan pa bago siya mag-send ulit ng recording.

🎶 I know you love her, but it's over, mate 🎶

Napangiwi ako nang kantahin niya ang unang linya.

Parang inaasar ata ako!

🎶 It doesn't matter, put the phone away 🎶

🎶 It's never easy to walk away, let her go 🎶

Let her go? Paano?

🎶 It'll be alright 🎶

Sana nga.

Nag-send ulit siya ng message.

From: FretzyZhia
I know you're not okay. Cheer up bf! It will be alright!

I smiled. She's really my comfort. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaya siguro hindi ako nagkagusto sa kanya ay dahil hanggang do'n lang ang tingin ko.

I replied.

From: WrenHernandez
Let's move on Fretzy. Both of us.

Binitawan ko agad ang phone ko pagka-reply ko. Siguro nga kaylangan na naming mag-move on. Hindi naman sa pinipilit ko siyang alisin ang nararamdaman niya sa 'kin. Ayoko lang talagang mag-suffer siya nang sobra tulad nang nararamdaman ko ngayon.

Kaylangan na naming mag-move on sa mga nararamdaman namin. Gusto ko nang bumalik sa dati. 'Yong dating ako, noong wala pa si Xeyn sa isip ko.

•••

I decided to enjoy everything. Part 'to nang sinasabi kong pag-momove on. Mag-isa akong nagpunta sa Sirao Flower Garden sa Cebu. Kahit medyo malayo ay pinuntahan ko talaga. Nakaupo lang ako sa wooden chair sa loob ng isang cottage. Madaming tao ngayon dito kaya naman nalibang ang isip ko. Mas magandang makarinig ng mga tawanan at hiyawan.

Message nang message si Wade sa akin tungkol kay dad. Hinahanap daw ako at kaylangan naming mag-usap. Pero ayoko talagang makipag-usap kay dad dahil panay pangungumpara lang naman ang bungad sa 'kin.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon