Warren's point of view
RINGGG
Tumatawag si Yohann kaya agad ko 'yong sinagot.
"Warren!"
"Ano?"
"Tumawag sa akin si Wade, pinapapunta niya ako sa bar na pinuntahan natin dati," he said.
Nagtaka agad ako. "Bakit daw?"
"I don't know, parang may problema ata siya. Hindi ako makakapunta dahil may inaasikaso ako sa trabaho. P'wede bang ikaw na lang pumunta sa kapatid mo?" pakiusap niya.
Sumang-ayon agad ako, mukhang alam ko naman na kung bakit nandoon siya sa bar. Siguro nga ay alam na ni Xeyn ang lahat. Pero bakit kaylangan pa niyang magpaka-toxic na naman? Dahil d'yan sa pagpunta niya sa mga bar kaya siya nakagawa ng hindi maganda. Tapos ngayon ay nando'n siya dahil pilit niyang tinatakasan ang problema.
Nagpunta nga ako sa bar na 'yon. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Nahanap ko naman agad siya, mag-isa niyang umiinom ng beer.
Hindi niya naramdaman ang pagtabi ko sa kanya.
"Wade?"
He looked at me, namumula ang mga mata niya. Pero ngayon ay hindi naman na lumuluha. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Si Yohann ang pinapapunta ko rito," seryosong tugon niya. Kinuha ko sa kanya ang basong hawak. Kaya halatang nainis siya sa ginawa ko.
"Akala ko magbabago ka na? Bakit pumupunta ka pa rin sa lugar na ganito?" walang pag-aalinlangang tanong ko.
Hindi niya ako sinagot, nagulat ako nang lagukin niya ang isang bote ng beer. Tuloy-tuloy 'yon, walang hinto. Inilayo ko ang paningin sa kanya dahil parang ako pa ata ang masusuka sa ginagawa niya.
Alam na nga ni Xeyn, kinakabahan na ako.
"Wala pa akong balak sabihin sa kanya," mahinahon niyang saad pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita. "Pero pinilit niya akong aminin," tugon pa niya.
Nakaramdam na si Xeyn, siya na mismo ang sumagot sa kuryosidad niya.
"Sinundan niya ako sa Cebu," saad ko. Natigil siya sa pag-inom at tumingin sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong k'welyuhan. Amoy na amoy ko sa kanya ang alak. Nakikita ko rin ang galit sa mga mata niya.
Ako pa ata ang sisisihin niya.
"Sinabi mo ba sa kanya?" Kalmado ang boses niya. Hindi ako makapagsalita dahil nasasakal ako sa ginagawa niyang paghawak sa k'welyo ng damit ko.
"Warren! Sinabi mo ba?!" Doon na lumakas ang boses niya. Nang humigpit ang hawak niya sa akin ay agad ko siyang itinulak palayo. Buti na lang mahina lang 'yon.
"Wala akong sinasabi sa kanya. Dahil ayokong mangialam sa inyong dalawa. Sadyang marunong lang talaga siyang makiramdam at hindi siya tanga para hindi mapansin 'yon!" inis kong saad.
Mas sumeryoso siya, nakakuyom ang kamao at galit na galit. "Sinabi ko naman sa 'yong magpanggap ka na parang ako 'di ba! Ano'ng ginawa mo noong isang buwan? Pinakilala mo 'yang tunay na pag-uugali mo sa kanya!" Hindi ako nakapagsalita. "Warren! Sinabi ko magingat ka-"
"Kasalanan ko pa! Para ka na rin si dad, sinusubukan mo nang kontrolin ang buhay ko!" galit kong singhal sa kanya.
May mga taong tumitingin sa 'min pero buti na lang ay wala silang pakialam sa ginagawa namin ngayon.
"Hindi ko kasalanan na hindi ko kayang maging ikaw! Kasi nga kahit ano'ng gawin ko hindi kita magaya, Wade! Kaya nga palagi akong ikinukumpara ng mga magulang natin sa 'yo! Kasi nga hindi ko kayang maging katulad mo!" Sumabog na ang nararamdaman ko. Gusto kong sabihin lahat ng sama ng loob ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...