Warren's point of view
"Okay ka lang?" Umupo ako sa tabi ni Xeyn pagkatanong ko no'n. Nandito kami sa bahay niya, nakaharap siya sa laptop niya. Mukhang bothered siya masyado sa ginagawa. Sinilip ko 'yon, hindi ko maintindihan.
Paano ko naman kasi maiintindihan, hindi nga ako nakapagtapos ng college!
Napangiwi tuloy ako.
"Ginagawa mo?" Napatingin siya sa akin. Natawa pa siya sa itsura ko.
"Hindi ko maintindihan 'yan," nakangusong saad ko.
"Hahaha! Quits na tayo, hindi ako magaling kumuha ng litrato tapos ikaw hindi ka magaling sa mga gantong bagay," aniya.
Napangisi ako.
"Mas madaming bagay na magaling ako, gusto mo isa isahin ko?"
Natatawa niyang pinalo ang braso ko. Napahawak agad ako do'n, paano ba naman kasi ang bigat ng kamay niya.
"Sige nga, tulad ng ano?" Hamon niya.
Napaisip ako kunwari.
"Magaling akong maglinis ng bahay, maglaba, magluto. Magaling din akong humal--"
"Luko ka!" Pinalo nanaman niya ang braso ko.
"Hahahaha! Biro lang, sympre hindi ako marunong no'n."
Biro lang Xeyn, wag mong seryosohin.
"Tch! Impossible, parang ang expert mo nga. Siguro madami kanang babaeng..." nahinto lang siya. Ayaw pa niyang sabihin dahil siguro malaswa pakinggan.
Marahan ko siyang inakbayan.
"Walang ganon Xeyn, ikaw nga unang nakahalik sa akin," walang pagaalinlangang tugon.
Nagulat pa siya sa katotohanang 'yon.
"Seryoso ka ba?" Napatakip siya ng bibig.
"Noong nasa kotse tayo..." napahawak ako sa batok ko dahil sa pagkailang.
"Hahahaha! Sorry!"
"Bakit ka nagsosorry?"
Isinandal niya ang sarili sa akin habang nasa binti niya ang laptop.
"Feel ko lang magsorry." She giggled. Matapos ay nahinto rin siya. Napansin kong bigla siyang nalungkot. "Kamusta na kaya si Wade?" biglang tanong niya.
Nakaramdam din ako ng kalungkutan.
"Nagmessage siya sa 'kin kagabi. Maayos naman daw siya doon," tugon ko.
She sighed.
"Xeyn, don't worry hindi kita minamadali na pumasok ulit sa isang relasyon. Hihintayin ko 'yung araw na maayos na kayong dalawa ni Wade," saad mo. Nag-aalala pa rin ako sa kanilang dalawa. Mananatili ako sa tabi ni Xeyn pero hindi ko siya pipiliting maging kami agad.
Ngumiti siya sa 'kin.
"Time can heal all wounds. Kapag dumating 'yung araw na maayos na kayong dalawa pwede na siguro ako," dagdag ko pa.
"Thank you for being good," she said while looking at me.
I'll wait because no mattter how long it takes, true love is always worth the wait.
•••
2 YEARS LATER
"HAPPY BIRTHDAY!!!"
Nagulat ako sa mga sumigaw na 'yon. Pagkabukas ko palang ng condo 'yon agad ang bungad sa 'kin.
Napangiti ako nang makita ko si Xeyn, Fretzy at Yohann. May iba rin na tao sa loob ng condo ko. Kilala ko naman silang lahat. Napansin ko pa ang presensya ng mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)
RomanceWade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warren ang dahilan ng kakambal niya ay pumayag ito. Magagawa nga bang magpanggap ni Warren sa harap ng gi...