CHAPTER 16

225 26 3
                                    

Wade's point of view

"Maayos ba?" Xeyn asked.

I smiled at her.

She's beautiful even without makeup.

"Maganda naman," I said.

She smiled widely. "Yieeee! Supportive talaga!"

Sorry, Xeyn, I don't know what to do right now. Wala pa akong lakas na loob para sabihin sa 'yo ang lahat.

"Maganda ka talaga, kahit hindi naka-makeup."

Then suddenly Xeyn hugged me. Napapikit ako dahil naramdaman ko ulit ang yakap niya. Isang buwan ko rin na hindi siya nakasama.

I looked at her then smiled genuinely. "I love you, Xeyn."

Idinikit ko ang mukha sa kanya at marahang hinalikan siya. Pinutol ko rin agad ang halik na iyon. Halata naman ang labis niyang pagkagulat sa ginawa ko.

"Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila Yohann.

Marami pala siyang bisita, pero nakuha pa rin niya kaming lapitan ni Xeyn. Nagpakilala siya kay Xeyn at nagk'wentuhan lang kaming dalawa.

Nang umalis si Xeyn para magpunta sa comfort room ay doon ko na kinausap si Yohann tungkol kay Warren.

"Nandito si Warren?" I asked.

Kinakabahan ako, baka makita siya ni Xeyn.

"Kanina lang, kaso umalis din agad noong sinabi kong pupunta ka," he said.

Nakahinga ako nang maluwag.

Buti na lang alam ni Warren ang gagawin. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil malaking tulong ang ginawa niya.

"May problema ba kayo?" Yohann asked.

"Wala naman, why?"

"Okay, kaso napapansin ko kay Warren na nag-iiba siya," saad niya.

Naguluhan ako bigla. "Anong nag-iba?"

"Hindi ba nga hindi siya mahilig magpunta sa bar. Tapos nagpasama siya sa 'kin noon, may nakahalikan pang babae."

Kumunot ang noo ko. "Ano sa tingin mo nangyayari sa kanya?"

He shook his head. "I don't know."

Naalala ko bigla 'yong dm sa akin ni Fretzy noong nasa France ako.

From: FretzyZhia
You're unbelievable Wade

From: Wade_ss
What?

From: FretzyZhia
Hindi kaba nagiisip? Hinayaan mong magsama si Warren at ang girlfriend mo?

From: Wade_ss
I need Warren's help, I have no choice.

From: FretzyZhia
Wow! Hindi mo ba inisip na may nararamdaman din si Warren? May possibility na magkagusto siya sa girlfriend mo! Sinasaktan mo ba ang sarili mong kapatid?

From: Wade_ss
I trust Warren.

Tuwing naiisip ko 'yon ay hindi ako napapanatag.

Kinalimutan ko na lang 'yon dahil patuloy akong kinakausap ni Yohann.

Xeyn's point of view

Pagkalabas ko ng comfort room ay dumiretso ako sa kinaroroonan ni Wade. Napansin ko naman na wala na ang kaibigan niya. Mag-isa na lang siyang nakaupo habang umiinom ng wine.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon