CHAPTER 30

217 17 0
                                    

Warren's point of view

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala," Xeyn said. Nandito kami sa condo ko ngayon. Tinutulungan niya akong mag general cleaning.

I'm worried, inaalala ko pa rin kung anong magiging reaksyon ni Xeyn sa lahat.

"Kahit ako sobrang nagulat," saad ko.

Nahinto siya sa pagpupunas ng table.

"Iniisip ko talaga 'yung dahilan ng babae kaya niya nagawang magsinungaling kay Wade." Nahinto siya at napangiwi. "Gusto niyang magkaayos kami ni Wade tapos ay hahayaan niyang siya naman ang mawalan?" hindi makapaniwalang tanong ni Xeyn sa akin.

I understand Celeste, lalo na't dumaan din ako sa kalagayang 'yon. Pinilit kong ipagwalang bahala ang nararamdaman ko noon para lang maging maayos sina Xeyn at Wade. Ngayon ko nga rin napagtanto na madaming nagsakripisyo para ayusin ang relasyon ni Xeyn at Wade.

Pero dahil hindi talaga sila para sa isa't isa kahit anong gawin namin hindi sila mapagsasama.

Napangiti ako sa naisip.

Ako na ang kasama ni Xeyn ngayon. Hindi ko na hahayaang magkahiwalay pa kami. Kami ang para sa isa't isa. Tuldok.

"Warren! Nakangiti ka nanaman ng walang dahilan!" pagsita sa 'kin ni Xeyn. Napanguso naman ako at saka lumapit sa kanya.

"Happy lang," tugon ko.

"Bakit?"

"Kasi para sa 'kin ka talaga." I winked.

She blushed!

"Luh! Biglang banat! Wag ganyan hindi ako handa hahaha!" She laughed para iwasan ang akwardness.

Walang sabi ko siyang niyakap, para akong batang ayaw kumawala. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya, napatawa nalang siya sa ginagawa ko.

"Naglalambing ang baby ko!" Pagpalo pa niya sa likuran ko.

Hinarap ko ang mukha sa kanya pero nanatili pa rin nakayakap.

"I love you!" Pinilit ko pang laliman ang boses ko.

She give me a quick peck on the lips.

"I love you too!" malambing na tugon.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Inilibot ko ang mga mata sa paligid. Medyo malinis na ang lahat kaunti nalang ang lilinisin.

"Bukas tutulungan natin si Wade sa proposal niya para rin makilala na natin 'yung mapapangasawa niya," nakangiti kong saad.

"Excited na ako!"

"Ako rin!"

Sobrang saya ko sa buhay ng kapatid ko ngayon.

"Ikaw? Kaylan ka magpropropose sa 'kin?"

Hindi ko inasahan ang tanong niyang 'yon. Napaawang ang labi ko at hindi alam ang sasabihin. Nagulat lang ako dahil hindi namin napaguusapan ang tungkol sa pagpapakasal. Masyado pa kasing maaga para do'n.

"Bakit ko sasabihin? Hindi kana masusurpresa kapag sinabi ko," singhal ko.

She laughed.

"HAHAHA! okay! Basta pakasalan mo ako!" Kahit tumatawa siya ay halata naman kung gaano siya ka sigurado sa sinasabi.

I cupped her face, nagtama lang ang paningin naming dalawa. Nagpatuloy pa siya sa pagtawa.

"Sigurado na ako sa'yo Xeyn." Dahilan para matigil siya sa pagtawa. Napalitan 'yon ng malawak na pagngiti.

Pretending To Be My Twin Brother (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon