22

30 3 0
                                    

"Hindi na ba tayo magdadala ng mga pagkain?" Pinagdala lang kasi nila ako ng madaming damit. Parang mga tanga.

"Tanga lang 'te? Resort pupuntahan natin!" Pagpuna sa akin ni Ace. Aba gaga 'to, huh?

"Tanga ka din!" Ganti ko naman, ano ka d'yan!

As usual dala na naman nila ang mga sasakyan nila. Kami naman nakasakay dito sa karaniwang van na madalas na dinadala ni Justine tuwing malayo ang pupuntahan namin. 'Yong iba ay sa kila Wil. Nagkasya naman lahat. Dala-dala din kasi nila 'yong mga "girl best friend" nila. Alam ko kami lang kaibigan nilang babae... Habang ang mga Hernandez ay sa sasakyan mismo ng Kuya nila sila sumakay.

Dalawa't kalahating oras ang posibleng oras ng byahe, kung 'di traffic. Nagbasa na muna ako ng wattpad. "Halcyon days of youth" by H.alle, gustong-gusto ko 'tong kwentong 'to! Relate, e. Hindi rin kilala 'yong author, pero ang galing niya mag-sulat, ha? Nakuha niya kasi ang interest, e.

"Hoy, tanga! Gising na! Malapit na tayo!" Tapik sa akin ni Ry, palibhasa kasi nakatulog siya, e! Pinalo ko nang mahina ang kamay niyang pilit na niyuyugyog ang balikat ko.

"Oo na! Punyeta ka talaga!" Tinarayan ko siya at tiningnan ang lugar. Wala pa naman, ha?

"Alam mo? Tangina mo, sagad-sagadan na!" Sigaw ko sa kan'ya. Kahit kasa-kasama namin ang mga kaibigan ng ilan sa kanila. Lakas kasi ng tama, kita nang natutulog, mang gigising!

"Ayan, o! Tingnan mo!"

Turo niya sa harap, pagkatingin ko may nakalagay na nga, Palm Beach Resort aba may pa resort, may pambayad? Pinark na ni Justine sa gilid ang sasakyan, hanggang dito lang? Sabagay wala namang pambayad. Sa tabi-tabi na lang kami, kunwari magswi-swimming pero magpi-picture lang pang IG.

"Baba na!" Sigaw ni Justine. Makasigaw naman 'to. "Nahiya 'yong tenga ko sa boses mo, ha? Ayos pa naman 'to..." Tumango-tango ako habang bumababa. Sakit sa tenga beh!

"Ay, wow! May pa shuttle service ang peg..." Mahinang usal ko. "Oo nga, e! Mapapasana all ka na lang talaga, Dai!" Sabat naman ni Ry sa akin.

Paano 'yong mga gamit? Nakita ko na sila Grey na bumaba na sa sasakyan din. Pumunta ako sa tabi ni Justine, katabi niya din kasi si Grey, e. Alam n'yo na!

"Paano 'yong mga gamit?" Inosente kong tanong.

"Sila na bahala doon," Sagot din agad ni Justine. Napakunot naman agad ang kilay ko, ano kamo? Sila na?

"Hoy! 'wag naman gano'n! Kaya naman natin bitbitin, at saka may service naman, o!" Turo ko sa sasakyan namin. "Kung kaya naman natin bitbitin 'yong gamit, kahit tayo na lang, babalik pa sila dito, o!" Dire-diretso kong sambit. Madami naman kami, at saka ano 'yon? Babalik-balik 'tong service dito? E, ang dami namin tapos gano'n? No! Hindi p'wede 'yon.

Nagkatinginan ang magpinsan. Dapat lang, 'di naman katulong 'tong mga 'to 'no. Para hindi na sila makapalag ay inunahan ko na sila.

"Ah! Kuya, 'wag n'yo na po balikan ang mga gamit namin, kami na po magdadala hehe," tawa ko kay Kuya. "Ah, ma'am? Hindi po p'wede 'yon, trabaho po namin 'yon, kami na po bahala," Nagkamot pa siya sa batok niya, nahihiya. "Kaya naman po namin, kuya! 'wag po kayo mag alala!" Ngumiti ako ng malawak para ipadama sa kan'yang maayos naman talaga. Ang lalaki din ng katawan ng mga 'to!

"O, Pau? Kala ko ba 'di ka makakasama?" Tanong ko ng mapansin kong papunta na si Pau sa p'westo namin. Ngayon ko lang siya napansin, e.

"Ah, e, tinext ako kaninang umaga ni Kyle, e, 'di pumayag ako, pumayag din naman si Riean, kaya goods lahat!" Ngiti niya pa. At least kumpleto na kami kahit 'di siya nakasama kagabi sa overnight.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon