50

28 3 0
                                    

"Ngayon lang kita nakita at nakasama ng matagal! Kaya pala ayaw ni kapatid makawala sa 'yo, e!" Malakas na usal ko sa babaeng inaayusan na at handa na kaming i-photoshoot.

"Grabe ka naman po, ate!" Ang boses niya din kasi ay napakamalumanay, hindi mo maiisip na gano'n ang boses niya.

"I am happy for you two." Ipinagdikit ko ang mga palad ko at tiningnan si Dheinarah na nahihiya sa akin, pakiramdam ko ay kumikislap ang mga mata ko sa ganda ng magiging hipag ko!

"Hindi ko masisisi si Kev, napakaganda mo nga talaga!" Hindi ko din kasi siya nakasama noon, ni hindi ko siya makausap ng matagalan o makilala man lang.

Nakaplano na ang kasal nila no'ng nakaraang taon pa, ang alam ko lang nag-propose si Kev sa kan'ya no'ng nakaraan hindi ko naman ine-expect na ngayon na agad gaganapin ang kasal.

Ok lang naman, sobrang saya ko pa nga, e! At saka magsasampung taon na rin sila.

Pareho nilang first love ang isa't isa. Parehong una. At the end heto... Ikakasal na.

Grabe magmahal ang kapatid ko, alam niyang itong babaeng 'to ang gusto niyang iharap sa altar at pangakuan sa harap ng diyos.

Naunahan mo pa ako, kapatid.

"Napakabilis ng panahon, ano?" Pakikiusap ko sa kan'ya, nakatabi lang ako habang ang iilang kasama namin dito sa kwarto ay may sari-sariling mundo.

Tapos na rin naman ako ayusan, light lang ang pinalagay ko kaya ako ang unang natapos sa lahat.

"Opo, ate! Grabe nagalit ka pa noon sa amin no'ng first time akong dalhin ni Luke sa bahay n'yo!" Ngiting ngiti niyang tugon.

She has a very soft face and voice, I don't know what temperament she has and what they have gone through, I just know I trust Kevin's decision. I know there is a temperament or something that his girlfriend really has he was able to stay with the woman in front of me now who will be his wife in a few hours.

"Napakaganda mo nga talaga, naunahan n'yo pa ako," tawa ko pa, mas bata ang kapatid ko pero siya ang unang haharap sa altar na kasama ang mapapangasawa at mamumuhay na magkasama sa natitirang buhay.

[Nasaan na kayo?]

Tanong ko kay Kyle, imbitado din sila maski ang mga Hernandez hindi nagpahuli.

[Nandito na. Gwapo ni utol!]

Hiyaw niya. Ready na.

Maayos na, nagpauna na din ako kasama ko ngayon si Grey, siya ang driver ko.

Nakasuot lang ako ng Olive green na Sleeveless V-Neck Chiffon Maxi Dress. Ang theme ng kasal nila ay kulay olive green dahil ayon daw ang paborito ni Dheinarah.

Ginawang Updo hairstyle ang buhok ko dahil mas bumagay iyon sa dress at sa balat ko. Hindi siya masyadong pina-bun, low bun lang ito at ginawang maluwag ngunit mahigpit ang pagkakatali nito at may inilagay pa silang iilang bagay na flower sa buhok ko. It's look so nice.

"Ang ganda mo," mahinang saad ni Grey habang busy sa pagda-drive.

"As always." Napatawa pa ako ng mahina.

"Sooner or later, ikaw naman magsusuot ng wedding gown," bulong niya, napangisi na lang ako sa sinabi niya at umaasa sa isip ko na siya ang kasama ko kapag nakasuot na ako no'n.

"You look so beautiful, Kira!" Maligayang bungad ni Kyle sa akin.

Ang mga tao na ang aayos at nagkukumpulan na rin, ang mga kamag-anak ni Dheinarah na tahimik lang sa isang tabi kaya nang makita ko ang mga ito ay walang pakundangan na umalis sa harap ni Kyle.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon