29

21 3 0
                                    

Isang buwan na ang nakakaraan simula no'ng natapos 'yong Birthday ni Justine. Hindi man ganoon kasosyal katulaad no'ng last pero ang sosyal pa rin.

Madami ang naging bisita niya, pinakilala niya rin si Alyviah, kaso mukhang maarte, maldita din. Tinarayan ako, e, pati nga ata si Ry, e.

"Magiging busy ata ako, Liratot ko..." Bulong ni Grey sa tainga ko. Nakahawak siya sa mga bewang ko, nasa tagaytay kami ngayon, sa bahay niya. Dito rin kasi namin nagbalak na tapusin lahat ng plates ko, siya naman ay magre-review.

"Bakit naman?" Bulong ko rin, kapag nandito ako feeling ko sobrang layo ko sa reyalidad, feeling ko malaya ako.

Malaya ako kapag si Grey na ang kasama ko.

"Si Lola... nakakaramdam ng masamang pakiramdam, si Lolo siguro sa tanda na kaya inaasikaso nila Papa si Lolo pauwi rito. Kailangan ko din bantayan ang kumpanya dahil may mga dapat asikasuhin sila Mama," malambing niyang sagot. Hinarap ko siya, tuwing maghaharap kami ay parang awtomatiko na namin hahanapin ang mata ng isa't isa.

Hinawakan ko ang pingi niya, kauna-unahan kong hawak sa malalambot at makikinis na mukha. Parang mababasag ang mukha niya kung mabilisan mong hahawakan, parang babasagin kaya dapat dahan-dahanin.

"It's fine... Responsibilities mo 'yan. Tutulungan kita kung gugustuhin mo," nginitian niya ako ng pilit, alam kong madami na siyang naranasan na. Alam kong bilang nakakatanda ay obligasyon mong sikaping gawin ang dapat gawin. Alam ko na ang lahat sa kan'ya.

Tutulungan ko siya kung gugustuhin niya dahil baka kapag umentra ako at tumulong baka masamain niya at hindi niya pala gusto ang ganoon. Nanghihimasok pa ako. Baka hindi rin siya komportable. Ayaw ko ring pangunahan ang mga gagawin at mga desisyon niya sa buhay.

Noong gabing pinili naming mag-stay dito sa bahay niya ay iyon din ang kauna-unahan nagsama kami sa iisang bubong, nagpalipas ng gabi.

No'ng una ayaw niyang tumabi sa akin dahil daw ginagalang niya ako pero ang sabi ko naman ay wala naman kaming gagawing masama, matutulog lang, magpapalipas lang ng gabi... Na magkasama.

Kung sa sala kasi siya ay p'wedeng manakit ang katawan niya dahil mahabang tao siya, baluktot pa kung hihiga siya doon, iisa lang din naman ang kama niya, iyong nasa itaas lang. At masyado 'yon malaki para sa isang tao kaya sinama ko na rin siya.

Sa lumipas na maikling panahon ay mas naging malapit kaming dalawa. Hindi na namin naalintanang gabi na tuwing nasa kwarto ko siya, madalas kasing nangyayari ay pupunta siya sa bahay umaga pa lang. Siya na ang nagsilbing alarm clock ko. Sa tanghali naman ay kung busy man ako ay siya na ang nagluluto at kung minsan ay nakakatulugan niya na ang pagre-review. Sa hapon naman ay nagpapatugtog ako then sasabayan namin ang kanta no'n, minsan kung ang klase ng kanta ay pangmalakasan ay humihiyaw kami kaya pinapasok kami ni Tita, kinakabahan.

Minsan naman ay sabay kaming bibili ng merienda sa labas ng subdivision, minsan ay siya kapag sobrang busy ko na talaga pero kapag nabili niya na ang pagkain kahit ang daming kong gagawin pa at naghahabol ako ng oras ay pinipilit niya akong huminto at magpahinga, pahinga na sabay kaming kakain. Minsan pa nga ay kasabayan namin sila Tita, sinusumbong pa ako na wala na akong tulog at pahinga.

Minsan naman ay ako na ang bumibili mag-isa dahil siya naman ay nakatulog sa mesa ko, minsan sa kama, minsan pa nga ay sa balikat ko o sa likod ko. Komportable daw kasi siya kapag nakahiga sa balikat ko kada may binabasa siya o kaya nag po-phone lang.

Minsan kapag wala akong ginagawa ay mas pinipili naming matulog para makabawi sa tulog dahil laging puyat, kung minsan naman ay nagpipicture-an kami, nagiging photographer namin ang isa't isa, siya ang taga picture ko kapag naka-ayos na ako then ako ang magpipicture pagtapos niya sa akin. Minsan pa nga ay nagpe-paint lang kami.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon