Prologue

240 12 3
                                    

Pursuing every happiness. It is not known what exactly will be the outcome of the claim to satisfaction without certainty. Fear and apprehension but will continue to gamble on the freedom they want to get. There are many obstacles and many interceptors but if you find a small hole you will surely get past the hellish loneliness that envelops the whole being.

Forgiveness

Is that in my vocabulary? The forgiveness?

Maybe there is someone else who has committed a sin against me, but how can I forgive if one of the people who is important to me has hurt me so much? Can I still forgive?

Kung ang ginawang kasalanan niya ay pagkawala ng isa sa pikamamahal kong tao dito sa balat ng lupa? Magpapatawad pa ako kung siya ang dahilan bakit wala akong kaagapay sa lahat?

Huwag na lang.

"Mama!" Sigaw ng isang bata nang makita nito ang sariling ina mula sa kanilang pintuan habang nakangiti sa kan'ya.

Pinuno ng kasiyahan ang kan'yang puso sa kadahilanang ngayon na lamang ulit nakita ang ina.

Lumapit ang ina sa batang babae. "Asan ang yakap ni mama?" Tanong ng ginang habang nakangiti sa anak.

Patakbong naglakad ang batang babae sa ina at hinagkan ito ng buong-buo na animo'y ngayon lang ito nakita.

"Na miss po kita, Mama!" Puno ng saya ang buong pagkatao niya.

"Nasaan ang papa mo? Mga kapatid mo?" saka siya tumayo na at nilibot ng tingin ang buong bahay.

"Si Papa mo nasa kusina, nagluluto po. Ang dalawang kapatid ko po ay nasa kwarto po namin."

"O, sya, anak, puntahan ko lang ang papa mo." Tinanguan niya lang ito.

Hinayaang umalis sa harap niya katulad ng lagi nitong ginagawa kada aalis na siya sa bahay at matagal na namang uuwi ngunit hindi naging dahilan iyon upang magtanim siya ng galit sa kan'yang sariling ina dahil ang dahilan nila ng ama ay may trabaho siyang ginagawa.

"Ano ba, Lawrenz! Hindi ka ba makaintindi? Ayaw ako paalisin ni Leandro tuwing aalis na ako."

Sa kuryosidad ng bata ay pinakinggan niya ang pinag-uusapan ng kan'yang magulang kahit na pabulong ang kanilang pag-uusap.

"Dahil ano? Hindi porque't may anak kayo? Karina, may anak din tayo baka nakakalimutan mo?" hindi nililingon ng ama niya ang ina niya at nagpapatuloy lamang siya sa paghiwa ng karne.

"Hindi ako nakakalimot, Lawrenz! Walang magbabantay kina Klixa at Kezziel! May trabaho si Leandro, ano ba? Hindi mo ba iyon maintindihan?"

"Naiintindihan kita, sa tingin mo kung 'di kita inintindi sa tingin mo hinahayaan kita ngayon na tumira sa pamamahay ng lalaking 'yon? Ako rin Karina may trabaho ako, todo kayod ako para mabuhay ko 'yong tatlo. Hiyang hiya na ako kila Lauren kakapabantay sa tatlong bata!" Umalis ang ama sa tabi ng kan'yang ina para ilagay ang mga nahiwa sa nakasalang na kawali.

"And'yaan ka naman, kaya mo naman, ginagawa ko naman ang best ko para lang makadalaw dito. Alam mo kung kanino ako kasal, alam mo 'yan."

"Oo, dahil sa minsan mong pag dalaw yung mga anak ko hindi ka na kinikilala bilang ina nila. Sige sabi mo, e." saka umalis ang ama sa harap at papunta na sa pwesto ng isang batang babaeng nakikinig sa kanilang pagtatalo ngunit imbis na talikuran siya ng ama ay kinarga niya ito at inilayo sa ina.

Nang makauwi sila mag-ama galing sa tindahan para bilhan lang siya ng pagkain niya ay pagkauwi nila ay wala na ang ina. Sa bagay nasanay naman na ang bata na palaging wala lagi ang ina. Araw-araw wala ang ina, kung hindi dalawang linggo ay umaabot naman ng buwan bago ito makapunta sa bahay ng mag-aama.

Laging umuuwing maga ang mata ng bata tuwing inaasar siya ng mga kaklase niya tungkol sa ina. Walang ina ngunit kada kailangan ng isang ina sa eskwelahan ay nand'yaan ang kan'yang ama para maging ina niya rin.

Pero ni isang katiting ay walang itinanim na galit ang bata sa kanilang ina dahil isa iyon sa naturo ng ama nila, na patawarin ang nagkasala kahit hindi ito humihingi ng tawad at ang diyos na ang bahala.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon