24

27 2 0
                                    

Ngayon namin ihahatid sila Lolo sa cubao. May pasok na rin kasi si Tita, sinabi ni Tita na hindi na muna siya papasok dahil aalis ako, wala daw magbabantay sa dalawang bata pero ang sabi ko ay huwag na dahil kaya naman nila Kev na bantayan ang bahay. Subdivision naman 'to. Ano pa kaya no'ng dati?

"Mauli na kami, Kira. Maiba ka ba?" (uuwi na kami, Kira. Sasama ka ba?) tanong sa akin ni Lolo, inilingan ko siya, siguro sa bakasyon na lang?

"Hindi na ho, 'lo. Magsisimula na po kasi ang klase ko," Nginitian ko siya, ngayon na kasi ang uwi nila.

Kamukha ni Papa ang mga kapatid niya, sobrang magkakahawig pero dahil naging malabo na sa isip ko ang mukha ni Papa ay hindi ko na maalala kung ano na kaya ang mukha niya ngayon. Siguro, medyo tanda ko pa ang boses n'ya dahil halos magkapareha sila ni Tita kaya kapag tumatawa ang Tita, nakikita ko sa kan'ya ang Papa.

"Tanu arug ka kean sako? Dae mo man ako pigbisita sa harong ko doon..." (bakit ka gan'yan sa akin? Hindi mo naman ako binibisita sa bahay ko doon)  yumakap pa si Lola sa akin, para siyang bata. Bilang apo, kahit gustuhin ko ay hindi pupwede dahil nandito ang pera.

"Aysus si mamay... nag-aadal ang apo mo dito kaya hindi 'yan p'wede umuli," Singit naman ni Tita Adeline.

"Uuwi po ako, 'la, kapag po hindi na gaanong busy sa school po,"

Nagusap-usap na lang sila. Hindi kasama si Tito Mio dahil sa probinsya din siya nakatira pero hindi sa Bicol, ayon ang pagkakaalam ko.

Kumpleto naman silang lahat: Lolo at Lola, Tita Laurenciana, Tita Josephina, Tita Adeline, at Tita Cecily, wala nga lang si Tito Mio pati na rin si Papa, wala na.

"Mag-ingat kayo mamay! Papay! Kumain ng madami, huh? Josephina, ikaw na bahala, huh?" Pagpapaalala ni Tita Lauren sa kanila. Gustong sumama no'ng dalawa kaso may pasok na sila. Ako sa monday pa.

"Saan kita ihahatid, 'nak?" Tanong ni Tita habang nakikipagsapalaran sa traffic, kahit may pasok ngayon ay talagang 'di nawawala ang traffic.

Pumasok si Tita kaninang umaga, nag half day lang siya ngayon.

"P'wede po ba sa Sm North, 'ta?"

Gusto ko din kasing mag tingin-tingin ng kung ano-ano. Mamasyal na rin.

Mamimili lang naman talaga ako ng materyales para sa kukuning kong course. Dala-dala ko naman na ang naipon ko, malaki-laki nga, e.

"Ano nga ulit gagawin mo?" Sinulyapan niya lang ako saka binalik sa daan ang tingin.

"Uh! Bibili lang po ako ng mga materyales para sa course ko, po!" Sagot ko. Tumingin na lang ako sa bintana.

"E, 'di gamitin mo ang credit card ko, kunin mo d'yan sa bag ko, 'nak..." Aniya, napalingon naman ako sa kan'ya.

"'Ta, ok lang, po! May ipon naman po ako, inipon ko po noong High School po ako."

"Baka kulangin ka pa, sige na! Kunin mo na, malapit na tayo!" Pagkatingin ko sa harapan ay natatanaw ko na nga ang malaking SM CITY NORTH EDSA. inayos ko na agad ang damit ko saka ang bag ko. Winala ko sa isip ko ang inuutos ni Tita, nahihiya ako!

"Ikaw talagang bata ka, oo! Ayan na! Gamitin mo na, mag-enjoy ka!" Paalala ni Tita, saka niya lang binigay ang card niya nang makababa na ako sa sasakyan niya. Dios ko talaga!

Iniwan na ako ni Tita, kabado pa ako dahil ang laki-laki nga talaga nitong SM na 'to, feeling ko kapag nag-libot ako dito ay kawawa ang mga binti ko.

Umuna na muna ako sa National Book Store. Bumungad ka agad sa akin ang mga journal. Nag tingin-tingin lang ako sa mga journal, wala na kasi akong journal, 'yong huling journal ko ay puno na. Nag lagay lang ako ng isang journal sa basket ko. Inuna ko munang hanapin ang T-square ruler, ito kasi lagi ang nakikita ko sa YouTube kada manonood ako ng mga architectural vlogs.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon