37

22 2 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Grey. Hindi ko alam paano ko maie-explain sa kan'ya, hindi ko alam kung ano ang posibleng mangyari, hindi ko alam, natatakot ako!

Ako 'tong galit na galit pero isa ding nakagawa ng ganoong bagay.

Isang linggo na ako dito sa bahay ni Ry, ayaw ko magpakita sa kanila dahil baka kapag tumingin lang ako sa mga mata nila ay humagulgol na ako sa harap nila.

"Kira... Hinahanap ka na nila. Ayaw mo pa rin ba lumabas?" Bulong sa akin ni Ry, hindi na din ako nakakapasok ng isang linggo, hindi ko alam, nato-trauma ako sa nangyari sa akin! Ang laking kasalanan nang napasok ko!

"Ayaw ko pa, Ry," sagot ko, nakataas lang ang mga tuhod ko at inaakap ko lang.

"Leng, babagsak ka kung 'di ka pa papasok... Posibleng hindi ka din makapasok ng second sem, mas masakit kung 'di ka din makaka 3rd year, alam mong malaki ang posibleng hatakin sa grades mo," malumanay na sagot niya, sinamahan niya akong uminom ng beer.

Ilang araw na ako umiinom, walang ibang ginagawa si Ry kundi samahan lang ako para maibsan 'yong takot ko.

"Ayos lang..." Bulong ko, napabuntong hininga naman siya.

"Lalabas ka na, ok? Sasamahan kita, 'wag ka matakot, sasamahan kita humarap kay Grey, kila Tita at ipaliwanag ang dahilan mo, pagtatakpan kita kung gusto mo," seryoso niyang tugon, napalingon naman ako saglit sa kan'ya at bumaling lang din agad ako sa buwan.

"N-natatakot lang kasi ako, Ry... Baka iwan na ako ni Grey kapag nalaman niya 'yon... H-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..." Hindi na ako naiiyak pa, puno na lang ng takot ang puso ko.

Takot na baka iwan ako ng taong mahal ko, takot na baka may mabuo dahil sa isang gabing 'yon, takot na baka hindi ko na maabot pangarap ko kung may mabuo man. Takot na takot ako, ang daming p'wedeng mawala.

Galit na galit ako sa taong 'yon dahil sa nagawa niya pero mas galit ako sa sarili ko dahil ginawan ko pa ng isang mali ang isang pagkakamali. Wala akong pinagkaiba sa kan'ya.

"Nandito naman ako, Leng. May mga kaibigan ka. May kaibigan ka. Ako. Kaibigan mo 'ko. P'wede mo kong sandalan. Tutulungan kita, kahit hindi ka man humingi ng tulong, tutulungan pa rin kita." Nilingon niya ako at naluluha na rin. Sobra akong swerte na mayroon akong siya.

"S-sige, bukas lalabas ako..."

Kinabukasan ay pinapasok ko na muna si Ry sa papasukan niya, ako na lang uuwi mag-isa. Sobrang pang-aabala na ang nagawa ko sa kaibigan ko. Pansin ko nga rin na hindi niya binubuklat ang mga libro at nakatutok lang siya sa akin. May napapansin na rin akong itim sa bandang mata niya. Pagod na rin siya. Halata sa galaw niya.

"May binili akong manok, Leng. Lutuin mo na lang kapag nagugutom ka, huh? Hindi na muna ako gagala, uuwi lang din ako, ok?" Tinanguan ko siya.

Naligo na agad ako pagkaalis ni Ry, baka nandoon 'yon sa bahay nila, e.

"Raven, si kuya mo?" Dumiretso ako sa bahay nila.

"Wala dito, nasa Tagaytay," kalmado niyang sagot, tinanguan ko siya at sumagot. Narinig ata ng mga aso ang boses ko kaya nagsitahulan na nakagawa ng malakas na ingay.

Lutang akong naglakad palabas ng subdivision nila.

Bahala na.

"Uh..." Mahinang usal ko nang makapasok na ako sa bahay niya, nasa veranda siya kasi ngayon. Pagkpasok ko pa lang ng bahay niya ay napakatahimik, hindi siya nagpapatugtog kagaya noon na kapag papasok pa lang ako ay mahinang tugtog na mga old song ang bubungad sa akin... Ngayon? Wala. Tila ba iniwanan na itong bahay na 'to.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon