48

20 2 0
                                    

"Try mo ulit gawin 'yong ginawa mo kagabi," pagsermon ko kay Grey, umagang umaga ay ito na agad ang binungad ko sa kan'ya.

"Ok, baby. I'm sorry, it's not my fault but I'm sorry, I will not repeat it again and I'm sorry, but please, you can't stop that. Ang panoorin kang bastusin baka mapatay ko sila, ni hindi kita binastos noon tapos sila hahayaan ko? No way," gamit ang kalmado ngunit may pagtitimpi sa tono niya. Nag-sorry nga pero ang daming rebut!

"You're still wrong, you should have just asked, besides, nabastos mo din ako noon."

Pagbabalik ko sa araw na may girl, may Ex na nasa bahay niya. Pambabastos naman na 'yon, 'di ba? Oo, matagal naman na. Matagal na iyon. Pero hindi ko maintindihan na kada may usapan kami na malapit sa mga nangyari, kumukusang bumabalik.

"Mamaya natin pag-usapan, nasa harap tayo ng hapag-kainan," seryoso niyang tugon, hindi ko alam kung bakit bigla kong nalabas 'yon! Hindi ko sinasadya!

Pareho kaming may nagawang mali noon at never magiging excuse 'yon para magsisihan kami ngayon.

"Ok, I'm sorry, hindi ko dapat sinabi 'yon." Marahan kong inilapag ang kubyertos sa pinggan at tiningnan siyang maigi.

"Ituloy mo ang pagkain, mamaya na lang natin pag-usapan 'yan," malamig niyang sagot, hindi ko alam pero nanlalamig ako sa pinapakita niya, kinabahan ako bigla.

"Grey, sorry. Hindi ko sinasadya!" Mariin kong saad, nangungulit na patawarin ako.

"Kira, nasa hapag tayo ngayon, heto na muna ang unahin natin bago iyan, mapag-uusapan naman 'yan, hindi ba?" Matalim ang pagtingin sa akin, sa pagkakapahiya ko ay kinuha ko na lang ang kubyertos ko at tinuloy na ang pagkain.

"Ako na maghuhugas," malamig ko ding sagot, ako na ang nagpa-unang tumapos. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang ako sa lababo at hinintay siyang makatapos.

Nang narinig ko naman na ang pagtayo niya dahil sa paggalaw ng upuan niya ay hunarap agad ako sa gripo, inaantay na ilagay ang pinaggamitang pinggan.

"Maglinis ka na lang ng sala, ako na dito," maliit na boses na saad ko.

"Kira." Rinig ko na malapit lang sa likod ko. "Bakit?" Tinatanggal ko na muna ang nima ng mga plato, hindi siya pinapansin.

"I'm sorry, p'wede na natin pag-usapan," mahinang usal niya na halos magkadikit na ang boses niya sa tenga ko.

"Later, tatapusin ko 'to." Hindi ko siya pinapansin. Ang taas ng Ego ko!

"Ok, hihintayin kita dito," mahinang saad niya saka kinuha ang upuan at hinila malapit sa pwesto ko.

Hindi pa nga ako nagsisimula ay ramdam ko ang paninitig niya kaya nakakunot lang ang kilay ko sa platong sinasabunan ko na.

Sa sobrang hindi ko mapakali ay pagalit akong humarap sa pwesto niya pero bigla ay naramdaman ko ang katawan na dumikit sa akin! Napaatras agad ako kahit na wala na akong maatrasan! Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at matalim ang titig sa akin, animo'y napakalaki ng nagawa ko sa kan'ya!

Napatitig agad ako sa mga mata niya na nakikipag-usap sa mga mata ko! Para kaming nagkaka-isa! Sa hindi ko namalayan ay lumipat ang titig ko sa mapupula niyang labi! Mala strawberry ang kulay nito, ang sarap kainin!

Napabalik ako sa wisyo ko ng maramdaman ko ang maliit at marahang pagdampi ng labi sa noo ko! Hindi pa nga nakakapag sink-in sa utak ko na kinukulong mo 'ko tapos sinundan mo naman agad ng paboritong ginagawa mo sa akin noon!

Napalunok ako nang mariin nang marahan niyang inilagay ang dalawang naglalakihang palad sa magkabilaang bewang ko! Tinitigan ko muli ang mga labi niya, nakakapang-akit! Hinihila ako ng mga ito na tila ba gusto kong angkinin ang labing 'yon! No! Please self, No!

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon