43

12 3 0
                                    

"Grabe pala ang naranasan mo 'no?" Takang tanong ni Kyle.

"Oo, e. Ang hirap. Isama mo pa na after that tragic story of mine, akala ko hindi na ako de-depress-in! Hanggang sa ilipat na ako lahat-lahat ni Tita sa New York, hindi ako nilubayan ng depression!" Saad ko.

"Oo, grabe naranasan nito! Nasapak niya pa iyong humawak sa bewang niya, e! Partida nakaupo lang siya no'n!" Sabat ni Lei. Natawa naman ako at ipinag-cross ko naman ang mga binti ko.

"Ok lang sa akin kung may galit kayo, galit rin naman ako sa sarili ko." Idinaan ko na lang sa pagngisi.

I don’t want to share with them everything I’ve experienced. Because for sure they also have experiences that they don't want to share.

Mas mahirap mamuhay sa ibang bansa. Wala kang ibang kasama kundi sarili mo lang.

Mas malala ang sinapit kong lungkot doon, mas mahirap tanggalin, dinadaan ko lang sa inom para maibsan 'yong sakit.

Hindi na muli ako umimik at hinayaan na lang silang magkwentuhan.

"Guys, mauna na ako, huh? May tatawagan lang ako baka kasi alam n'yo na, ayaw ko namang mag-overthink 'yon," pagpapaalam ni Enzo. Natawa naman ang iba.

"Ikaw ba, Kira? Hindi pa ba ikaw nalalasing? Tara na, hatid na kita," seductive na ani Justine. Kinunutan ko lang siya ng kilay.

"Tipsy na," maikling sambit ko.

"Pare," mahinaong sabat ni Grey, katabi ko kasi si Justine sa kaliwa at sa kanan naman ay si Lei.

Lumingon ako kay Grey na madatnanan ko ang matatalim niyang tingin kay Justine. 'Wag kang pumatay sa isip mo, Grey. Iisipin kong hindi nawala pagmamahal mo sa akin.

"Chill, bro. Tinatanong ko lang si Lekeira, My love! Masama ba 'yon? Kaibigan ko 'to, malamang!" Pasaway na sagot ni Justine sa kan'ya.

"Oo nga, tol! Masama bang tanungin kung nalalasing na ang kaibigan namin?" Pamamatol ni Kyle.

Kaibigan? Tinuturing pa rin nila akong kaibigan? After 9 years? Kaibigan pa rin nila ako?

"At saka mas okay nga 'yon, e! Tingnan mo 'yong kabilang mesa halos ayaw nang tanggalin ang mga mata nila sa kaibigan namin." Tinuro pa talaga ni Vance 'yong sunod sa mesa namin!

Bored akong lumingon sa sunod na mesa, dahan-dahan akong lumingon na akala mo ay napakabigat ng ulo ko. Pagkatingin ko ay tama nga! Nakatingin ang tatlong lalaki sa akin! Pero p'wede din naman si Lei.

"Kira," maawtoridad na saad ni Grey, nabosesan ko dahil girl! Ang lalim kaya!

"Wait! Kilala ko 'yong isa!" Hindi ko inalis ang tingin ko, familiar sa akin!

"Lekeira," ulit niya ngunit mas malalim na ang boses niya animo'y nag-uutos!

Hindi ako lumingon at tinagilid ko pa ang ulo ko.

"Paano ba 'yan, boss? Ang Lekeira mo ayaw sa 'yo tumingin, na-stuck na sa customer ko!" Pang-aasar ni Kyle sa kan'ya, nagsisitawanan na sila at nakisabay sa pang-aasar sa kaibigan.

"Uh! Kilala ko na!" Pasigaw kong saad at tumingin na sa mga kasamahan.

"Sino daw ba 'yon, Kira. Pinapatanong ni Boss," turo ni Vance kay Grey.

Doon ko lang na-realize na inaasar nila si Grey sa akin!

Dumiretso ang tingin ko kay Grey, sa mata niya, sa magaganda niyang mata, sa matagal ko ng gustong makita at titigan hanggang magsawa pero mukha namang hindi ako magsasawa.

Ang kan'yang mata ay naghahalo na naman ng masamang tingin at matatalim na animo'y nahiwa ka na!

"Si ano..." nakipagtitigan lang ako sa kan'ya kaya hindi ko masagot!

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon