44

16 3 0
                                    

"Gagi, ang lupit ng away kagabi!" Saad ni Kyle. Nakarobe siya ngayon habang walang suot na pang-itaas.

Nandito na kami sa Restaurant. Yayamanin na 'tong lalaking 'to masyado! Bigatin!

"Ano nangyari?" Takang tanong ni Ry. Kumakain siya ng pancake habang nakataas ang dalawang kilay sa pagtatak. "Bugbugan! Si Grey nakipag-away!" Malakas na saad ni Paulo. Ang iilang tao ay nakatingin kay Paulo dahil sa pagsigaw niya.

"Bakit? Ganap?" Nilingon ni Ry si Grey na katapat lang namin. Tiningnan ko lang din si Grey, hindi siya naka-robe pero nakasando siya kaya 'yong naglalakihan niyang muscle ay kitang kita! Maski kahit nakasando siya ay makikita mo na agad na may Abs siya! Ang mga biceps niya na akala mo nilagyan ng malalaking daga! Brusko!

Grabe! Ang payatot noon ay isa nang bato-bato! Laking pagbabago!

Nakaligo na rin ako at nakabihis ako na oversized t-shirt 'yong aabot hanggang gitna ng legs. Binuhaghag ko lang ang buhok ko at sinuklay ito hanggang sa bumagsak na ulit ito. May cycling naman akong suot.

Hindi umimik si Grey, kinuha ko na lang ang mango shake para hindi ako ang makita nila. Bagong gising lang ako, siguro sa tagal kong nakatulala kagabi ay hindi ko na namalayan na madaling araw na! Kaya ayon! Ginising ako ni Lei kasi kumatok daw si Grey kanina.

E, 'di naabutan niya akong naka short at sleeveless na sleepwear!

"Bakit ba nakipag-away 'yang abo na 'yan, Kira?" Napatingin naman agad ako sa nagtanong, bakas sa mukha niya ang pang-aasar!

Tiningnan ko muna ng saglit si Grey pero ang lambot ng mga tingin niya! Sa sobrang lambot ay dinedemonyo niya akong tumitig din sa kan'ya!

"Uh..." Kinamot ko ang likod ng tenga ko. "Ano... kasi..." Tumingin na lang ako sa shake ko.

"Kasi?" Pag-aabang ni Enzo sa sagot ko. Lahat sila nakaabang! For sure alam kong alam nila ang dahilan!

"Kasi nabastos ako," mabilis na saad ko at umiwas na lang.

"Uh kaya! Buti napuruhan 'yon! Uugod ugod na nga lang, mangmamanyak pa!" Napailing pa si Vance.

"Magswi-swimming kami ngayon, sama kayo?" Pag-aaya ni Kyle. Tumango na lang ako. Ok lang naman sa akin.

"Ngayon na, tara na, ayos na kayo." Hindi ako gumalaw at hinayaan silang magsitayuan.

"Hindi ka sasama?" Tanong ni Kyle at tiningnan ang naiwan. "Uh... Sige! Maiwan ko na kayo! Enjoy love birds! Enjoy, pre!" Nagtaas pa ng kilay si Kyle. Sa isip-isip ko ay nasasarapan akong sabunutan siya!

Pagkaalis nila ay nakamasid lang ako sa shake ko. Pati si Lei, iniwan ako! Demonyita!

"How was your sleep? " Tanong niya sa mahinang baritono.

"Ok lang naman, masarap." 

Kinuha ko ang shake ko at ininom 'yon. Siya naman ay naghihiwa ng steak niya habang nakatingin sa akin.

"Masarap? Gaano kasarap?" Saad niya na napatingin naman ako na may pagtataka.

"Masarap, mahangin. Nakabukas ang sliding door kagabi, magdamag, 'yong hangin pumapasok kaya masarap, presko," saad ko. Tumango tango naman siya at saka sinusubo ang kakapiranggot na steak na hiniwa niya.

"Bakit shake ang iniinom mo? Hindi magandang malamig ang iniinom sa umaga, dapat 'yong maligamgam lang." Pagpansin niya sa hawak kong shake.

Tiningnan ko muna ang shake ko na may pagtataka, pinaikot-ikot ko pa at hinahanap ang mali tsaka ko siya tiningnan katulad ng tingin ko sa shake ko.

"Ikaw ba?" Tiningnan ko ang kinakain niya. "Pinakialamanan ko ba ang pagkain mo?" Slow-mo ang pagtingin ko sa kan'ya, mula sa kinakain niya papunta sa mga mata niya.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon