7

46 2 0
                                    

"Papasok ka ba ngayon, 'te?" Tanong ni Ace.

Tinawagan ako ni Ace at tinanong lamang kung papasok ba ako at baka tinawagan niya rin si Ry, "Oo gaga, sayang kita,"

Pumasok na kami sa car wash-an na pinapasukan namin. Lumipas ang buong oras ay sobrang pinagpawisan na ako.

Lumapit sa akin si Ry, "arat, kain muna tayo," Nakaupo ako sa gilid kung saan may mahabang upuan para doon magpahinga ang mga kakatapos lang mag linis.

Inilingan ko siya. "Wala pa akong extra money. Walang tanghalian sila Kev," Wala akong mauuwing ulam kung sakaling gagastusin ko 'yong dala kong pera. Back to tipid moments ulit. Nagwaldas ako ng pera kaya trabaho ulit. 

Pumwesto pa siya paharap sa 'kin at kinunutan ako ng kilay. "Oo na, sige na, Leleng! Lilibre na kita," Saka naman siya tumawa ng ngisian ko lang siya habang nakasandal ang ulo ko sa batong nasa likod ko. Ramdam ko kasi ang pananakit ng likod ko.

Marami rin kasing nagpalinis ngayon. May mga um-absent pa kaya talagang ,mabilis ang kilos dapat.

Hindi ko pa rin siya nililingon. "Bayaran na lang kita sa susunod," Gusto ko rin kasing kumain dahil nagugutom na rin naman ako.

Umiling siya ng umiling. "Wag na, asus na 'yan! Parang others ka naman!"

Dumaan lang kaming karenderya, na noon kong pinagtatrabahuhan.

Pagkapasok ko sa loob ay saka ako sumigaw, "Nanay!" Sigaw ko nang itinuro ni Patricia kung nasaan siya, naabutan ko siyang naghuhugas ng mga plato.

Nang Makita niya ako ay naghugas na muna siya ng kamay sa apron na suot niya. "O, anak? Kumusta ka na?!" Aniya, nagmano ako sa kan'ya.

"Ayon po sobrang pagod po,"

Tumango siya sa sinagot ko. "Tagal na ng huli mong punta dito, ha?" Aniya.

Inilagay ko ang isa kong kamay sa leeg ko at hinaplos 'yon. "Oo nga po, 'nay, e! Kumusta naman po kayo dito? May mga bago po ba kayong anak-anakan?" Ani ko. Mahilig si nanay na mag-ampon ng mga nagta-trabaho sa kan'ya. Madalas kasi ay mga dalaga o binata ang nagta-trabaho sa kan'ya at naging isa ako roon. Ang kaso hindi pa ako dalaga noong pumasok ako dito.

Inilagay niya ang iba nang nahugasan sa lagayan nito. "Ayon, sa awa ng diyos lumalago 'tong karenderyahan natin. Balik ka na dito 'nak pag may oras kana uli, ha?" Aniya, tinanguan ko siya.

Ako ang naging anak-anakan. Ako pa lang kasi ang nakapagtrabaho sa kan'ya noon na ang may pinakabatang edad. Siguro ay pagkamatay palang ni Papa noon ay naghanap na agad ako ng pagtatrabahuhan. Ang swerte ko sa kan'ya ako napunta. Siya ang tumulong sa akin.

"Opo, 'nay," Sagot ko, nakita kong ngumiti siya.

Si Nanay Dellia ang may ari ng karenderyahang ito. Kinupkop niya ako noong nagsisimula pa lang ako maghanap-buhay, siya na ang naging pangalawa kong ina. Nand'yaan naman si Tita Lauren at ang mga kamag-anak ni Papa ngunit dahil may mga pamilya ito at mahirap ang buhay ay pumupunta lang sila minsan sa bahay. Madalas si Tita Lauren. Kahit madalas ay siya lang mag-isa. May dalang iilang plastic na puno ng groceries.

Malaki ang pinagbago ng karenderyang ito. Naging mas malaki at dumami na ang customers niya. Naging mas maaliwalas na ang karenderya niya. Mas dumami pa ang mga putaheng inihahanda niya. Dumami na rin ang mga nagtatrabaho sa kaniya. Babalik din ako dito. Pag naging maluwag na ang mga gagawin ko.

Umupo si Ry sa harap ko. "Le, sa birthday daw ni Justine celebration sa kanila, overnight daw tayo," Ani Ry. Pinakinggan ko lang ang sinabi niya habang sinusubo ko ang kanin na may ulam.

Tinignan ko siya. "Sige ba, kailan ba?" pinakain kami ni Nanay ng masarap niyang putahe, bulalo.

Nag lagot sign pa siya sa akin na animo'y natatakot ako. "Ah! Susumbong kita, ha! 'Di mo tanda, ha!" Pananakot niya pa.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon