8

46 2 0
                                    

Kinabukasan, ngayon ang pinaka dalaw namin kay Papa pagkatapos namin i-celebrate ang birthday ni Kael.

Ika-anim na taon na niya ito na wala siya. Dadalawin namin siya. Nagpahinga ako ngayon dahil masyado ng nabugbog ang katawan ko sa kakaaral at kakatrabaho. At saka may limang tao ang nagpapagawa ng drawing sa akin at may dalawa naman sa paint. Abala rin ang dalawa 'kong kapatid sa kakaaral dahil mage-exams na rin sila.

Nilingon ko ang mga bata. "Kev, Kaloy" Tawag ko sa kanila. Nagluluto ako ng spaghetti at pansit para doon sa puntod na lang ni Papa kami kakain. Nagpaalam ako sa mga papasukan ko na dapat ngayong oras na papasukan ko na 'di ako makakapasok dahil dadalawin namin si Papa.

Nilingunan ako ng dalawa. "Bakit po, Ate?" Pagbaling sa akin ni Kevin habang nagdo-drawing na rin siya.

Inaayos ko sa lagayan ang mga naluto ko. "Mag-ayos na kayo, aalis na tayo." Pagkatapos kong ayusin ang mga pagkain.

Nagsiayusan lang kami. Nagsuot lang ako ng isang shorts saka simpleng puting t-shirt lang.

Paglabas ko ng kwarto. "Magtawag ka na ng tricycle, Kev," Saka ko na kinarga ang mga dadalhin namin. Tinulungan naman ako ni Kaloy habang inaantay ang tricycle makapunta dito. Siya ang naghawak ng bulaklak at kandila para kay Papa.

"Ate, tara na!" Sigaw ni Kevin na bumaba pa sa tricycle para bitbitin ang nasa kaliwa 'kong kamay.

Nagsipasukan na kami ng tricycle. Lumipas ang ilang minuto ng makapunta na kami sa sementeryo

Nilingunan ko si Kuya. "Salamat po, Kuya Bong, pasundo na lang ulit kami, Kuya!" Nginitian niya kami saka tinanguan saka na siya umalis.

Nauna na ang dalawang bata makapunta sa puntod ni Papa. Ako, payapang naglalakbay sa maputik at madamong daan.

Nang maabutan ko sila ay nililinis na nila ang puntod ni Papa. Si Kevin na maingat na nilapag ang mga pagkain namin sa malinis na mga bato habang ang isa naman ay ang lapida ang pinagtuunan ng pansin.

Inayos pa muna nila ang uupuan ko. "'Eto, 'te, upo kana nalinis ko na po," Saka ako umupo doon sa upuang nasa tabi ng puntod ni Papa. Inilatag ko na ang mga iniluto ko sa ibabaw ng puntod ni Papa. Saka ang mga bulaklak na dala namin ay inayos ko nang maigi at ang kandila ay sinindihan ko na.

Tinignan ni Kael ang lapida ni Papa. Tinititigan at hinahaplos niya, 'di naman niya kasi totally nakilala ng ganoon si Papa. Batang-bata siya noong nawala si Papa baka may naalala siya pero 'di na ganoon kalinaw dahil ilang taon naman na ang lumipas.

Nag-ayos pa muna sila ng pwesto. Binigyan ko sila ng tig isang paper plate at disposable na tinidor. "Kain na tayo." paanyaya ko pa sa kanila.

Nagtaas pa ng dalawang kamay si Kael. "Yehey!" Hiyaw niya pa.

Natapos na kami kumain. Wala akong ginawa kundi pakinggan ang bawat kwento ni Kael at kami ni Kevin nakikinig lang sa kan'ya. Swerte't nakasilong kami at may puno rito.

Nagpahinga ako saka tinignan ang lapida ni Papa. "Ayan na pa, ha? Natupad ko na naman ang wish mo!" Sambit ko habang tinititigan ang pangalan ni Papa sa lapida.

Lawrenz Louis G. Villaluz

October 17, 1981 — August 7, 2011

Six years ka nang wala, pa...

Anim na taon ko na rin tinutupad lagi ang wish mo...

Anim na taon na rin akong walang ama... wala kaming ama...

Ulilang-ulila kami pa sa pagmamahal ng magulang... sana, buhay kana lang ulit.

Binalingan ko siya ng tingin. "Ate," Ani Kaloy,

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon