21

21 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan simula no'ng nagkaroon kami ng conversation ni Grey.

Ngayon, nag-chat sa akin si Ry na gusto niyang pumunta dito. Pumayag ako.

Kakatapos ko lang maligo at mag-ayos, dumiretso na ako sa kusina para mag-luto na. Umalis lang saglit si Tita para mamili ng mga grocery. Nag-presinta naman akong sumama para may katulong siya pero sinagot niya lamang ako na may sasakyan naman siyang dala, ang kailangan ko lang gawin ay bantayan ang bahay at mga kapatid ko, wala naman na ako magagawa dahil kaya naman daw niya.

Kagabi pa ako sinabihan ni Ry na pupunta daw siya. Bakasyon naman na kaya pumayag ako, wala din kasi ako magawa dito sa loob kundi mag-ayos lang ng kung ano-ano at tumutulong kay Tita, 'di rin naman niya ako mapalabas dahil baka maligaw naman ako.

"Nasaan ka na?" Pagkasagot ko sa tawag niya. Sabi niya kasi ay aagahan niya, e, magtatanghali na wala pa rin baka naligaw na ata.

"Gago ka! Punyeta ka, Lekeira! Sabi mo nasa isang oras lang 'yong byahe! Magdadalawang oras na ako nasa byahe, ang tagal kong makarating d'yan!" Natatawa ako sa sinasabi niya, 'di ko ba nasabi? "Nasaan ka na nga?" Tumatawa pa ako habang tinatanong siya, rinig sa kabilang telepono ang pagpipigil niya ng galit.

"Nasa jeep na! Malapit na siguro 'to. Girl! Madami akong kukwento sa mga kaganapan kanina. Dios ko! Kaya ayaw ko mag-maynila, e!" Pigil ang kan'yang pagkainis. Nai-imagine ko ang itsura niya ngayon. Busangot na ang mukha.

"Pabilisin mo na 'yang sinasakyan mo."

"'Di mo pabilisin? Iilan na lang kami dito sa jeep gago, kinakabahan ako!" Nag-usap lang kami ng kaunti.

Hindi ko din kasi alam kung ilang oras ba talaga papunta dito dahil may sariling sasakyan ang sumundo sa amin galing sa Bulacan. Kinakabahan ako para kay Ry dahil bagong salta 'yon dito baka kung anong mangyari doon.

Nakarinig na ako ng tunog na senyales na may nag door bell na. Nilabas ko siya.

"O? Bakit kasama mo na mga 'yan?" Nagulantang ako sa mga kasama ni Ry. Sila Wil lang naman.

"Mga punyeta 'tong mga 'to! Hindi man lang sinabing pupunta din sila dito, ah! Basta kwento ko mamaya, papasukin mo muna kami! Ako 'yong pagod dito!" Natawa kaming lahat sa inakto ni Ry.

"Wait lang madam, ha? Nakakahiya naman po sa inyo, e." Binuksan ko na ng buo ang gate para makapasok na ang nagungunang babae na nagrereklamong pagod na pero siya naman nag presintang pupunta.

"Ayos lang naman, alipin!" Umakto pa siya na parang senyorita.

"Bigwasan kita d'yan, makita mo," Bulong ko.

"What did you say? Are you backstabbing me?" Tinaasan pa ako ng kilay. "Huh, alipin?" Nagpamaywang pa siya. "Ewan ko sa 'yo, tse! Tara na nga mga alipin ko!" Pagpapasunod niya pa sa mga kalalakihang nasa likod niya. Siraulo nga talaga.

Pag lingon ko sa papasok pa ay napahinto ako pati nga ata ang pag hinga ko! Bakit nandito 'to? I mean, wala namang masama! Nahihiya ako nyemas!

Napangiti ako ng pilit sa harapan niya lalo pa't tiningnan niya pa ako. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko saka umusog paurong, senyas na pumasok na sila, tinanguan niya lang ako bilang sagot. Nakasunod sa kan'ya ang mga kapatid niya. Nag-usap naman kami ni Ry na mag-sstay siya dito kahit isang linggo lang. Nakapagpaalam naman ako kay Tita at pumayag 'to.

"Kasi ganito 'yan! Makinig ka, ha? Sumakay ako ng bus hanggang sa binaba lang kami sa cubao ba 'yon? Basta ayon, tapos 'di ko alam saan ang susunod na sasakyan! Ang laki-laki ng dadaanan! Legit kaba ko kanina! Paano ba naman kasi may mga nakatingin sa akin na mula ulo hanggang paa! Lalaki pa 'yon, ha? 'yong nagbebenta ng sigarilyo ba? Mga nagtitinda ng mga kung ano-ano!" Nakaupo na siya sa sofa, lahat sila habang ako ay nakikinig sa sinasabi niya.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon