27

13 2 0
                                    

"Nakakastress na talaga ang architecture sa totoo lang!" Pag-rant ko kay Grey na naka video chat sa IG ko ngayon.

Nahihilo na rin kasi ako, siguro sa pagpupuyat na rin. Naluha na ako dahil sa puyat na nararanasan ko, wala nang tulugang nangyayari dahil talagang sunod-sunod ang pagpapagawa ng plates, meron pang prof na mabilisan kung magpapasa. Pero kakayanin para sa pangarap.

"Give yourself at least a few minutes to rest, 'wag mong abusuhin ang katawan mo." 

Nandoon siya ngayon sa coffee shop na pinupuntahan naman kada sinusundo niya ako, biglaan lagi ang sundo niya, kung saan-saan pa nagpa-park. Iyong malayuan pa para makapaglakad-lakad rin kami.

Nakatuwid siya ng upo, nakikinig ng mabuti.

"Iiglip lang ako ng saglit..." Hiniga ko ang ulo ko sa table ko saka itinapat ang phone ko kaharap sa mukha ko.

"How's your day ba?" Tanong ko kahit na pa-iglip na ako, papikit-pikit na ang mga mata ko.

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng pagbukas ng pinto ko. Nilingon ko agad ang banda do'n.

"Hoy! Paano ka nakapasok dito?" Mahinang sigaw ko, napalingon naman agad siya sa akin. Seryosong-seryoso ang mga mukha niya. Ginagawa ko sa 'yo?

"Paalis na si Tita mo kanina buti na lang nakadating agad ako." Napatayo agad ako sa hinihigaan ko, wait? Doon ako sa table ko nakatulog, 'di ba?

"O, eh? Bakit pumunta ka dito? Tapos doon ako nakatulog, 'di ba? Sandali nga! Anong oras na ba?" Baka napatagal ang tulog ko!

"Pass 3 pm. Nakatulog kana kasi sa video call natin then pumunta na agad ako dito, naabutan kitang pababa na ang ulo. I'm glad I caught it." Hindi niya na ako pinansin, tuluyan niya nang binuksan ang pintuan.

"Yes? Kaloy?" Nilingon niya si Kaloy na ang tangkad-tangkad na! "Si ate, kuya?" Sumilip pa siya at tiningnan ako dito sa kama.

"Ate! Kailangan ko po ng plastic cover... Naubusan na po kasi tayo, e."

"Uh, e... Sige, saglit lang." Tatayo na sana ako sa kama nang biglang nagpresinta na si Grey na siya na daw, e.

"Ako na, Grey. Kaya ko, mahahabol ko 'yan lahat." Tingin ko sa mga plates na gagawin ko pa lang.

"Ako na. Kumain ka na muna. Ayon 'yong pagkain mo," turo niya doon sa isa kong lamesa, may McDo doon. Unti-unting sumilay ang matamis kong ngiti sa effort niya.

"Maraming salamat! Dito ka na lang kaya sa akin lagi?" Inosente kong tanong sa kan'ya, kaya napahinto siya at napatitig sa akin.

"Gusto mo ba?" Maawtoridad niyang sagot. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, ramdam kong namumula na ang buong mukha ko!

"Oo ba!" Napasigaw ako sa excitement, wala namang nasama hindi ba? Halos araw-araw nga 'yan dito nakatambay, e!

Para tuloy ampon na siya ni tita.

"Mm... Alright," Napa-iling siya at humarap na sa pinto. "Cute..." Mahinang sambit niya na kahit bulong ay narinig ko! Cute! Cute daw! Naiinlove na si Grey sa akin! Pero hindi ko pa nalalaman ang bawat detalye sa buhay niya! Ang tsugi! Alam niya ang akin pero ang kan'ya hindi ko pa alam!

Inumpisahan ko na ang isa kong plate. Naubos ko na rin ang dalang pagkain ni Grey sa akin.

"I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy... I'll be your hope, I'll be your love, be everything that you need..." Pagsabay ko sa paborito kong tugtog.

"I'll love you more with every breath, truly, madly, deeply do... I will be strong, I will be faithful 'cause I'm counting on..." Nagtaas na ako ng mga kamay ko para sabayan ang beat ng kanta.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon