30

20 2 0
                                    

"Bisperas na ng pasko mamaya!" Hiyaw ni Ry, siya kasi ang kasama ko ngayon papuntang SM, mamimili kami ng mga handa para mamaya.

Kasama namin ngayon si Tita at 'yong dalawa kong kapatid.

Nakapag-usap naman kami ni Grey, hindi siya makakapunta ngayon dahil nasa Cebu siya ngayon. Naiintindihan ko naman lalo pa't hanggang New Year sila doon.

Bigla din kasing pumunta si Ry dito sa bahay dahil daw wala siyang ibang kasama sa condo niya, kami na lang daw ang kasama niya. Pinapauwi ko naman siya sa Bulacan pero ayaw niya daw, dadalaw lang siya ng umaga bukas para dalawin ang mga kapatid niya.

"Ry, pakikuha nga 'yang hotdog." Naggigisa na rin kasi ako, alas sais pasado na kaya sinimulan na namin.

"Hotdog nino ba?" Inosente niyang tanong, inismiran ko naman siya. "Para kang tanga. 'ta, o! Si Ry! Kaninong hotdog daw!" Sigaw ko kay Tita, rinig 'yon mula sa taas, nasa taas kasi si Tita.

"Tangina ka! Biro lang! KJ kang gaga ka!" Pinalo niya pa ang balikat ko, Inirapan ko naman s'ya.

"Katatapos ko lang magluto at maligo," sabi ko kay Grey, naka video chat kami ngayon, dito sa IG. Naka itim na t-shirt lang siya. Naka t-shirt naman ako. Neutral color.

"It's boring here, I want to go there." 

Tinawag na ako ni Tita para daw mag bilang na kami para salubungin ang pasko.

"5...4...3...2...1!" Hiyawan namin, sabay ay may mga nagpaputok pero kaunti lang, may mga torotot sa labas. Naka video call kaming dalawa ni Grey habang sinasalubong ang pasko.

"Merry Christmas!" Tinapat ko ang camera malapit sa mukha ko. Dahil na rin sa ingay kaya nilapit ko.

Habang sila naman ay sinalubong din, nakasuot pa nga sila ng kulay puti na damit.

"Merry Christmas..." Maligaya niya pang sagot. Itinapat niya ang camera kung saan naka-stay sila mama niya.

Nilingunan ng Mama niya ang camera na nakatapat sa kan'ya.

"Ma... Si Kira, kilala n'yo naman siya, 'di ba?" 

Nakangiti ako ng malawak habang kumakaway sa nakangiti ring Mama niya.

Walang kupas ang ganda! Matangkad din kasi ang Mama niya pati ang Papa niya kaya siguro walang maliit sa kanilang lahat.

Imagine, balang araw makakasama ko ang mga dambuhalang mga tao!

"Of course! Siya yung isa sa pumunta sa Cebu, isn't she?" Takang tanong niya na hinarap pa si Grey. Tinanguan niya ang Mama niya at sinagot. "Yeah." Ngiti niya sa Mama niya. "Uh! She's the one you're talking about too–" hindi ko na narinig ang sinabi ni Tita dahil tumakbo ng malayo si grey.

"Too much information, Ma!" Sigaw niya pa.

Tinapat naman ni Grey ang camera sa papa niya, putcha ang tangkad talaga!

Ngumiti pa ako nang malawak at kumaway-kaway sa kan'ya na akala mo ay sobrang close ko na.

"Hello! Merry Christmas!" Sambit niya, binati ko lang siya.

Matangkad na lalaki na nagmumukhang higante! Katulad ng kay Grey ay maayos din ang buhok nito, si Ken kasi ay messy hair 'yon. Moreno din katulad ng dalawang anak niyang lalaki! Pero dahil nga hati sila mag-asawa ay medyo moreno siya at mamula mula, parang mestizo ba.

"Bakit may camera ka pang hawak?" Napansin ko kasi na naitaas niya ang camera at tinutok mismo sa akin.

"Remembrance," aniya na nakangiti pa.

Kinabukasan ay araw na ng pasko, bigayan ng mga regalo.

"Para sa 'yo Kevin, o!" Bigay ko sa kapatid ko, laman no'n ay dalawang t-shirt na panlalaki. Lalo pa't tumatanda na rin s'yempre papasok na doon ang pagbibinata.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon