39

16 2 0
                                    

Hindi siya nagkulang sa akin, hindi niya ako hinayaang gumalaw na mag-isa, lagi siyang nakaagapay sa akin na animo'y anak niya ang dinadala ko.

Apat na buwan na ang t'yan ko, isang buwan niya ako inalagaan, at sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala sa isip ko ang pagkakakonsensya.

Gabi-gabi umiiyak ako, tuwing natutulog na siya ay umaalis ako sa tabi niya at pumupunta sa C.R at doon nagpapalipas ng iyak.

Tanggap niya ako, tanggap niya ang bata, tanggap niya ang buong ako pero bakit gano'n? Sa sakit na nabigay ko sa kan'ya ay binibigyan niya pa rin ako ng magandang pakikitungo. Hindi iyon nagbago. Consistent siya at animo'y napakaayos sa kan'ya ng nangyari.

Simula no'ng nalaman niyang buntis na ako at sa kauna unahan kong tatabi na sa kan'ya na buntis na ako ay nagplano na akong mag-iipon ako para makaalis sa kan'ya. Hindi kinakayanan ng takot, sakit, at konsensya ko sa nagawa ko. 

Hindi na nagpakita pa si Jarem, siguro ay alam niyang ako 'yon.

May tamang babae para sa kan'ya, 'yong mahal ko, may tamang babaeng nararapat sa kan'ya at ang masakit ay hindi ako.

Pipilitin kong buhayin 'tong batang 'to. Mahirap pero sige. Kakayaning iraos.

Breakdown dito, breakdown doon. Punyetang depression 'to! Sirang sira na ang pag-iisip ko, napapagod ang utak ko kakaisip.

Hindi alam ni Tita kung bakit mas pinili kong sumama muna kay Grey. Nag-usap kami na sana kami pa lang ang makakaalam.

Hanggang tawag na lang ang pag-uusap namin nila Tita. Ang dalawa kong kapatid ay nakatanggap ng honor! Habang si Kevin ay nag celebrate ng kan'yang magandang grado at ang kanilang ika-unang taon ng kan'yang nobya sa bahay. Ngayon lang nila i-cinelebrate dahil wala pa naman trabaho ang kapatid ko. Wala na akong masyadong balita sa kanila.

Mga binata na ang nga inalagaan ko noon. dati lang sila lang ang inaalagaan ko, ngayon anak ko na mismo.

"Sige na, matulog ka na..." Bulong ko kay Grey, nakaupo ako sa kama habang siya ay inaasikaso ang mga pang-umagang gawain para sa akin. Napangiti naman ako ng mapait. 

"Mauna ka na, may aasikasuhin lang ako, baby," bulong niya, lumapit siya sa akin at hinalikan na ako sa noo, pagkahalik niya ay tumungo siya sa bandang t'yan ko, may bukol na rin kasi, dinampian niya ng halik ang t'yan ko.

"Sleep tight, anak ko," ngumiti pa siya na animo'y naririnig siya ng anak ko. "'Wag mong papahirapan si Mama, huh? Delikado ako anak kapag gumising ng madaling araw ang Mama natin at maghahanap ng cravings!" Natawa pa siya at tumungo ang tingin niya sa akin, ang mga kislap ng mga mata niya ay nagpapakita ng sobrang pagmamahal sa amin ng anak ko.

"Hihintayin kita matapos, sabay tayong matutulog," pagalit kong saad para sumunod. At baka makatulugan ko ang plano ko, may sapat na akong ipon para makaalis. Baka din gising pa siya kapag aalis na ako.

"Tara na nga!" Pagbaby talk niya pa. "Ang Mama natin anak naglalambing!" 

Pinatay niya na ang mga ilaw at tinira niya lang ang lamp. Inayos niya na ang hihigaan niya at ako ay tuluyan nang nahiga. Tumabi na siya at niyakap ako ng magaan. Ramdam ko ang init ng katawan niya na nagpapaibsan sa lamig.

Mami-miss ko 'to.

Dinilat ko ang isa kong mata para tingnan kung mahimbing na ba ang tulog niya.

"Mahal, mami-miss kita ng sobra..." Hindi ko siya p'wedeng hawakan at baka magising siya. Inalis ko na ang kamay niyang nakalagay sa mga bewang ko nang dahan-dahan, tumayo na rin ako na hindi nakakagawa ng ingay.

I wanna cry so bad! 

Kinuha ko ang letter sa ilalim ng unan ko.

Tiningnan ko ng maigi ang letter na sinulat ko no'ng pumasok siya sa trabaho niya kanina. Sumasakit ang puso ko para bang sinasaksak nang paulit-ulit habang tinitingnan ang sulat at si Grey.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon