46

17 3 0
                                    

"Alak time!" Hiyawan ng mga kalalakihan habang ibinabalandra ang bote ng Bacardi.

First time ko rin kasi titikim ng Bacardi, ni hindi ko alam ang lasa kahit naman palainom na ako.

Minamasdan ko lang ang ginagawa ni Kyle, nandito lang ako sa gilid at nanonood ng ginagawa nila.

Ang iba sa kanila ay tumatanggi na agad dahil daw lalabasan na naman sila ng kaluluwa nila, mayroon pa na nagiging mandirigma ka dahil sa kung ano-ano ang nagagawa mo. Feeling ko naman malalabanan ko ang alak na 'yan.

"Inumin mo na!" Pamimilit ni Kyle kay Vance na inumin ang unang shot para sa alak na 'yan. 

Nakakailang bote na kami ng ibang alak at ito daw ang ginawa nilang panghuli para daw may thrill na agad. Ni hindi nga ako nalasing sa alak na binibigay nila sa akin, 'eto pa kaya? Basic.

"Wait lang, may kukunin lang ako." 

Pinagmasdan kong tumayo si Vance. Unti-unti ay umaatras na si Vance sa pwesto niya pero nang nagbalak na siya na tatakbo ay nahablot naman agad ni Kyle ang damit niya sa likod.

"Hindi ka makakatakas sa akin, bro," ngumisi pa si Kyle at saka humalakhak dahil kumamot nang kumamot sa likod ng ulo si Vance, pagmamaktol.

"Tangina naman pre, nakakamatay 'yang alak na 'yan, ayaw ko na tikman 'yan!" Mangiyak ngiyak pa si Vance habang inilalayo ang shot glass.

Natatawa pa ang ilan sa amin at kasama ako dahil sa mukha ni Vance.

"Dali na!" Pinilit pa rin ni Kyle na ipahawak kay Vance ang shot glass kaya ang isa ay no choice nang kinuha 'to. Puno ng pagkakasuklam ang pagtingin niya sa hawak niya, halata nga talagang ayaw niya.

"1...2...3..." Bulong pa ni Vance at saka pumikit nang mariin 'tsaka ininom nang mabilisan ang alak. Ang lahat naman ay natawa dahil pagkadilat ng mata niya at parang doon niya na-realize na nainom niya na pero dahil sa nararamdaman niya ay nagtatatalon siya at gusto ng isuka ang nainom.

"Binata na!" Hiyaw ni Kyle. 

"Matagal na akong binata! Tanginang alak 'yan! Sinusumpa ko talaga 'yan! Uulit na naman ako sa simula!" Pinunasan niya pa ang mukha niya gamit ang mga palad, puno ng inis.

"O, sige! Ganito na lang, bumilog kayo dali!" 

Tumayo na ang ilan at heto ako nanonood sa mga nagsisitayuan, sinundan nila si Kyle na bumilog sa isang malaking lamesa, naglagay ng mabilisan si Kyle ng mga baso at nilagyan ng mga laman ito. Nang makumpleto na sila ay ako na ang panghuling tumayo, s'yempre makikisali ako 'no!

"Pagkabilang kong tatlo—" naputol ang instruction na ibibigay ni Kyle nang dugtungan ito ni Lei!

"Nakatago na kayo... Isa..." Pagbanggit niya sa pambatang laro noon! Oo, mahilig talaga ako sa mga ganitong kaibigan, laging may pa-extra. Mga bida-bida ba.

"Joke lang po hehe, sige na po tuloy mo na." Naging mas humina ang boses niya ng titigan siya ng mga lalaki pero dahil sa sinabi niya ay humalakhak ang lahat.

"Kanino 'tong isang baso?" Tanong naman agad ni Lei, wala kasi siyang katabi na tanging ang nag-iisang baso na may lamang alak ang nandoon, katabi ko naman si Ry at si Lei naman sa kabila, nasaktuhang siya ang walang katabi na.

"Kay Ace. Lagi pa rin 'yon kasama sa gala, hindi p'wedeng mawala 'yon baka multuhin kami, e," saad ni Kyle, natahimik naman kami ng sandali. Naglaan pa talaga si Kyle ng isang baso para kay Ace. Ayon ang hiling ng Kaibigan.

"Ok, let's start. Pagkabilang ko ng tatlo sabay-sabay nating iinumin para pantay lahat para din sabay-sabay magsisuka!" Sigaw ni Kyle, pinipilit na lakasan ang boses dahil sa lakas ng tugtog.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon