9

57 2 0
                                    

Natapos ang linggo at kailangan ko na naman kumayod.

"'Nay, kumusta na po?" Pagtanong ko kay Nanay Dellia, Pumunta ako sa kan'yang karenderya upang dalawin siya. 'Di gaano madami ang nagpapalinis ng sasakyan ngayon dahil weekdays naman.

Medyo ngumiti siya. "'Eto, anak, maayos pa naman ang pakiramdam ko, kayo nila Kevin? Si Kaloy kamusta?" 

Si Nanay dellia ang nag-alaga sa amin dati noong nahihirapan ako, pero pinabalik ko siya sa karenderya niya dahil nami-miss niya na ito. Kaya ko naman na magtrabaho ng naka-multi tasking. Sa buhay na mayroon ako wala akong panahon para mag-aksaya ng oras. Mahalaga ang bawat sigundong bumabawas. Gumalaw ka lang kahit sobrang pagod na at magpahinga ka na kapag nakuha mo na ang reward mo sa bawat pagsisikap mo.

Tinaas ko ng bahagya ang magkabilang balikat, ngumiti ako. "Ayon po, 'nay, mga masisipag, may mga nakukuhang magaganda at matataas na grado! Sa awa naman ng diyos." Sagot ko. Namuntawi ang kasiglahan niya.

Taimtim siyang ngumiti, "Ay naku! Mabuti naman! Lalaking mga matatalino talaga 'yan lalo pa't mga gwapo mga kapatid mo saka ikaw! Maganda!" Pag ngiti ni nanay sa akin.

Tinapos ko lang ang usapan namin saka ako bumalik sa car wash-an.

"Leng, makakapunta ka ba?" Ani ibon sa akin.

"Saan?" Saka ako bumaling sa mga taong dumadaan.

Napatingin din siya sa tinitingnan ko. "Sa birthday ni Justine!"

"Kailan ba?" Sinagot ko siya nang hindi lumilingon.

Napatingin siya sa akin na naiinis. "Sa september 1!" bakas sa mukha niya ang 'di alam ang sasabihin.

"Akala ko sa April pa hehe," Tumawa ako ng peke.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Bobo ka ba?" Sarkastikong tanong niya.

Inosente akong tumingin sa kan'ya, nagkibit balikat. "Aba malay ko ba, 'di ko tanda, e!"

Hindi ko maalala ang mga birthday nila, sa sobrang makakalimutin ko ay nakakalimutan ko kung saan ko nalalagay ang mga kagagamit ko lang na mga gamit sa loob lang ng minuto.

Tumingin siya sa akin ng nagbabantang mga mata. "Sumbong kita kay tintin, ha!"

Ngumisi ako. "Sumbong ka, samahan pa kita, e! Hilig mong manumbong!" Tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa doon. Bahala ka sa buhay mo, ako pa tinakot mo. Saan ko nga pala nakuha 'yong april na 'yon? Bobo nga.

Natanong niya na 'yan, e!

Saka ako nag-asikaso sa panibagong sasakyan na dumating.

'Di ko nakita kung sino ang may-ari nitong sasakyan pero mukhang mamahalin 'tong sasakyan niya. Kapag tiningnan ko ang kotse niya masasabi mo talaga na marangya ang buhay niya. E, 'di hope all, 'di ba?

Naglalalro ang iba't ibang scenario sa utak ko habang sinasabunan itong harapan. Masyado akong tutok sa paggawa ng mga pangyayaring imporsibleng mangyari. Nang matapos ko ng linisin ay saka ako pumasok sa loob kung saan yung mga gamit namin ay nakalagay doon.

Ikiniling ko ang aking ulo, inunat ang aking katawan. "Whoa! Kapagod!"

Tumingin sa akin si Ry. "May trabaho bang madali?" Sarkastikong tanong niya. Aba gago may pagkainis pa rin ata sa akin dahil sa kanina.

Napangisi ako. "Mayroon, maging alipin kita. 'Di kita papahirapan!" Saka ako kumuha ng panibagong t-shirt na puti dahil last na yung sasakyan na nilinisan ko dahil pasukan ko naman ngayon.

"Ganda mong kausap, ha?" Bakas ang inis sa kan'yang tono. Sige lang Ry pabobohan tayo.

Humarap ako sa kan'ya. "E, kasi naman, Rielliana! Mag isip ka nga sa tingin mo may madaling trabaho? Madali ba 'tong trabaho natin? Sa tingin mo?" Gago kasi 'di pa rin nasasanay.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon