38

13 2 0
                                    

"Merry Christmas!" Sabay-sabay na sigaw namin nila Ry. Napagkasunduan kasi namin na magsama sama ngayong pasko.

"Ano ba 'yan, Ry!" Sigaw sa kan'ya ni Vance. Paano ba naman kasi pagkasigaw ng Merry Christmas tinaas niya ang baso niya na may alak ang kaso biglaan ang pagtaas niya ng baso kaya ayon nasalo ni Vance ang natapong alak.

"Pasensya na, God bless!" Tumawa pa siya nang malakas. Medyo lasing na rin kasi siya dahil mas nauna siyang uminom sa amin, ewan ko ba dito.

"Ang baho, letse!" Impit kong pagrereklamo. Tiningnan ko ng masama ang hawak na sigarilyo ni Kyle. "Ilayo mo nga 'yang sigarilyo, Kyle. Ang baho kasi, e," kunot kong saad sa kan'ya, nakitaan ko ang pagkagulat sa kan'ya pero ginawa niya pa rin ang sinabi ko.

Hindi namin kasama ang mga Hernandez dahil kasama nila ang angkan nila ngayon. Ngayon din ang anniversary namin ni Grey pero hindi kami magkasama ngayon dahil kasama ko ang mga tropa.

Hindi na din kasi nagparamdam si Jarem simula no'ng may nangyari sa amin, siguro hindi niya natadaan ang nangyari, sana lang.

Nakapag-update na rin ako kila Tita ng pagbati sa kanila. Pumayag naman si Tita na dito ako magpapasko, ilang linggo na rin simula no'ng nagpaalam ako tungkol dito.

Lahat sila ay lasing na, may nakahiga na sa lapag, may nakahiga na sa sofa, may nakahandusay na sa gilid, si Ry ay nauna na sa kwarto, magtatabi naman kami at ako lang din ang natirang gising dahil lahat sila knock out.

"Nahihilo na ako..." Bulong ko nang matapos ko na ang ginagawa ko. Sa lasing ata. Sa alak.

Tumayo agad ako sa kama ni Ry dahil nakakaramdam ako ng paghilab sa t'yan, para akong nasusuka!

"Alis! Tangina!" Pasigaw kong hawi kay Ry, papasok na kasi siya ng kwarto at ako ay saktong pagkabukas ng pinto ay siya na ang bumungad, bagong hilamos.

Kinunutan niya naman ako ng kilay, takang taka sa pagalit kong paghawi.

"Ano nangyayari sa 'yo?" Madiin na tanong niya, nakatindig lang siya sa pinto habang ako ay nakaupo sa harap ng inidoro! Naka-fierce lang siyang nakatingin sa akin, nagmamasid.

"Umalis ka muna, mamaya natin 'to pag-usapan," nanghihinang kong sabi sa kan'ya, nakaramdam na naman ako nang pagsusuka. Wala namang lumalabas na mga ininom ko kagabi, puro laway ko lang ang nasusuka ko!

"Lekeira, kailan ka last nagkaroon?" Seryoso niyang tanong, napasulyap naman ako sa kan'ya kaso bigla ako nakaramdam na naman ng pagsusuka, umiwas agad ako sa kan'ya at nagsuka ulit, ang sakit, naluluha na ako, puro laway lang lumalabas!

"Hindi ako dinatnan no'ng nakaraang buwan," sagot ko, hindi ako nagpahalata sa kan'yang kabado na rin ako. Iba na 'to, hindi p'wede!

"Hintayin mo 'ko dito, may bibilhin lang ako. Uminom ka rin ng madmaing tubig tapos magpahinga ka muna."

Hindi niya na ako hinintay pang sumagot at umalis na siya sa pinto.

"Tangina hindi p'wede 'to!" Naluluha kong saad. Hindi p'wede! Makakasira 'to sa pag-aaral ko! Lagot ako kay Tita! Ang daming p'wedeng mawala! Ayaw ko! Ayaw ko pa! Natatakot ako! Paano ko 'to sasabihin kay Grey?!

Dali-dali akong tumayo at umalis na doon, dumiretso na ako sa kwarto, naabutan ko din naman agad na gumagalaw na ang iba sa kanila.

Hindi din nila p'wedeng malaman 'to! Ayaw ko pa!

"O, saan ka pumunta, Ry? May almusal na ba?" Tanong sa kan'ya ni Enzo.

"D'yan sa lamesa. Tingnan mo. O kaya baba kayo, bili kayo. Kuha ka sa wallet ko." Bigla namang bumukas na ang pinto at iniluwa naman nito si Ry.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon