14

41 3 0
                                    

Nagising kami ng maaga mas nauna nga lang ako dahil nasanay na akong maaga gumising at 'di naman ako ganoon kalasing kagabi. Nawala pa nga ang lasing ko dahil sa punyetang sinabi ko. Gusto ko na lang magpalamon sa malambot na kama nila.

"Magandang umaga," pagbungad ko sa kanila nang magsibabaan na sila. Tinulungan ko kasi si Ate Pawi sa pagluluto nila ng umagahan, ayaw niya pa no'ng una pero pinilit ko dahil nakakahiya kung palakain lang kami dito.

Nagsibatian lang sila saka nagsiupo na sa kan'ya-kan'yang upuan.

"Nasaan sila Ma'am Wynona?" pagka-upo, dapat sila ang maunang kumain dahil sila ang nagmamay-ari nito.

"They went to the Villa," Ani Justine. So, may mansion na sila may villa pa sila? Ang angas! Low-key na mayaman.

"Bakit hindi na lang sila dito? Masyadong malaki 'tong mansion na 'to, ha?"

"Pumunta lang sila kila Aunt Elizabeth, kapatid nina Mommy and Aunt Isabella. Doon sila pumunta muna." Aniya. Malamang sa malamang Tita nila at 'yong villa na sinasabi niya ay baka nagmumukhang luxury house! Grabe, pumapalakpak ang kayamanan nila! P'wede bang maki-share? Share lang, e.

Hinayaan na lang namin saka kami kumain na lang, at inulit muli namin ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan. Niyaya pa rin namin sila Ate Pawi sa pakikipagsalo dito sa hapag.

"We will go to the tourist spots here in Cebu so we can relax." Ani Justine, nagsitanguan lang kami, nagbihis lang kami at nag-ayos na.

"Sino-sino mga kasama natin, tayo-tayo lang ba?"

"Nope, kasama natin ang mga kapatid ni Grey, pati mga kapatid ko, then our other cousins ​​will not be able to be with us because some of them are in abroad: Traveling, some are in Canada, some are in Australia and then some are in Manila. They are younger than us, except kay Drake, parating na rin ang mga 'yon," He pursed his lips.

"So, ibig sabihin 'di lang Half Canadian kayo?" titig lang ako sa kan'ya, nag-aantay ng sagot.

"Yeah! We are half Filipino, a fourth each of Australian and Canadian descent. Mama is a Canadian, Papa is an Australian, and Mommy and her other siblings-our aunts and uncles-are also half Canadians and half Australians who later married Filipinos. We left after coming to an end."

"Bakit no'ng pinakilala mo sa amin 'yong pinsan mo sabi mo Half Canadian, Half Filipino lang?" bakit sila tatlo ang lahi samantalang ang mapapangasawa ko ay dalawa lang?

"Lolo Lucas, Mama's first husband, is a Canadian. Aunt Miuccia and Aunt Isabella were their two offspring. Both of them now have families, with Mama and Papa having four kids. Firstly, Mama is Canadian and Papa is Australian, along with Uncle Massimo, Aunt Elizabeth, My Mom, Venezia, and Uncle Theoden. Because of this, the side of Grey is different from us, even if we are still related." Tumango tuloy ako. Ah! So, sila 'yong pangalawa?

May bigla akong naalala... my past... bakit laging pinipili 'yong pangalawa samantalang 'yong nauna 'yong minahal nila? Bakit laging nagtatagumpay 'yong pangalawa samantalang nagpangakuan sila no'ng nauna? Bakit ganoon? Ganoon din kaya 'yong naramdaman no'ng Tita ni Justine sa Papa Theodore niya? Ano 'yon free trial paano magpabuntis? Hmm.

We're on the same boat of Mrs. Isabella and Mrs. Miuccia kaso nauna nga lang sila.

Hindi ko naman p'wedeng kainisan ang pamilya nila Justine baka may iba silang reason pero bakit gano'n? nakadalawa silang anak tapos 'di pa rin pala sila sure sa isa't isa?

Nagsiakyatan na kami sa kaniya-kaniyang kwarto para mag-ayos, gala time, e! S'yempre susulitin ko na 'no! Inalis ko na lang sa isip ko ang mga nasabi ni Justine.

SQUAD SERIES #1: Chase The BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon